Donny Pangilinan taken na raw sabi ni Julia, 'in a relationship' na nga ba kay Belle Mariano? Bandera

Donny Pangilinan taken na raw sabi ni Julia, ‘in a relationship’ na nga ba kay Belle Mariano?

Therese Arceo |September 09,2022
share this

Donny Pangilinan taken na raw sabi ni Julia, ‘in a relationship’ na nga ba kay Belle Mariano?

Therese Arceo - September 09, 2022 - 03:51 PM

Donny Pangilinan taken na raw sabi ni Julia, 'in a relationship' na nga ba kay Belle Mariano?
USAP-USAPAN ngayon sa social media kung official couple na nga ba sina Donny Pangilinan at Belle Mariano o mas kilala bilang DonBelle.

Ito ay matapos mag-viral ang pahayag ni Julia Barretto nang maging guest player siya sa isang segment ng noontime show na “Lunch Out Loud” na Maritest.

Isa kasi si Donny sa mga choices sa tanong ni Matteo kung sinong sikat na aktor ang nali-link sa YouTube vlogger na si Bella Racelis.

Kasama sa mga choices sina Joshua Garcia, Diego Loyzaga, at Alden Richards.

Hindi alam ni Julia ang sagot at inisa-isa nga ang mga nasa choices.

Ngunit tila nadulas ang dalaga sa relationship status ni Donny nang banggitin niya ang pangalan ng aktor.

“Donny? Ay hindi Donny taken na si Donny,” sey ni Julia.

Bagamat walang binanggit si Julia kung sino ang naka-“taken” sa aktor ay hindi na masyadong lumayo pa ang mga netizens at itinuro ang ka-love team at on-screen partner nitong si Belle Mariano.

Kaya hindi naman kataka-taka na agad nag-trending si Donny sa mundo ng Twitter matapos mag-viral ang tila panlalaglag ni Julia.

Iba’t iba ang naging reaksyon ng madlang pipol ukol rito pero mas nangingibabaw ang mga tweets ng mga kilig na kilig na fans ng dalawa.

“The fact na choldhood at close friend niya si Dons and she said na TAKEN NA SI DONNY. Periodt. Dancing queen! HAHAHA!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “The way she did not stutter and she didn’t bawi it pls???? like hindi man lang siya nagulat na na-spill niya, it was as if she thought everyone knows.”

Samantala, wala pa namang kumpirmasyon mula sa panig nina Donny o ni Belle kung nag-level up na nga ba ang kanilang relasyon bilang official magdyowa.

Relaed Chika:
Donny Pangilinan, Belle Mariano totoong-totoo ang ‘relasyon’, magkasabay na nagma-mature bilang magka-loveteam

Andrea Brillantes na-prank, kinilig sa DonBelle: Na-realize ko kung anong date ngayon

DonBelle fans niregaluhan ng bonggang billboards sina Donny at Belle sa US, Korea at Switzerland

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending