Donny Pangilinan naghuhugas pa rin ng pinggan, nagluluto at naglilinis ng bahay kahit sikat na sikat na | Bandera

Donny Pangilinan naghuhugas pa rin ng pinggan, nagluluto at naglilinis ng bahay kahit sikat na sikat na

Ervin Santiago |August 21,2023
facebook
share this

Donny Pangilinan naghuhugas pa rin ng pinggan, nagluluto at naglilinis ng bahay kahit sikat na sikat na

Ervin Santiago - August 21, 2023 - 06:46 AM

Donny Pangilinan naghuhugas pa rin ng pinggan, nagluluto at naglilinis ng bahay kahit sikat na sikat na

Donny Pangilinan

IN FAIRNESS, kahit sikat na sikat na ngayon bilang isang matinee idol sa mundo ng showbiz, kusa pa ring tumutulong sa mga gawaing bahay si Donny Pangilinan.

Yan ang proud na proud na ichinika ng kanyang mga magulang na sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan sa pakikipagchikahan kay Boy Abunda sa episode ng “Fast Talk” last Friday, August 18.

Ayon sa celebrity couple, naghuhugas ng pinggan, nagluluto at tumutulong sa paglilinis ng bahay ang Kapamilya young actor kapag wala siyang trabaho.

Natanong ni Tito Boy sina Maricel at Anthony kung totoong nauutusan pa rin nila ang anak sa mga gawaing bahay sa kabila ng estado niya ngayon sa local S
showbusiness.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Yes, of course! Kapag nasa bahay, walang pinag-uusapan na status kahit saan. Lahat tayo, pantay-pantay na mga anak sila, kami yung mga magulang,” pahayag ni Maricel.

Sey naman ni Anthony, “Every Saturday kasi walang yaya day. So, kapag dumating yan sa bahay ng Sabado, no choice siya.

“Puwede siyang magluto. Puwede siyang maghugas, puwede siyang magwalis, but you have to be part of the chores for that day. Kahit kami, kasama kami sa chores,” pagbabahagi pa niya.

Samantala, nang matanong kung ano ang mga palagi nilang ipinapayo at ipinaaalala kay Donny para mas tumagal sa kanyang showbiz career at mas lalo pang magtagumpay sa buhay.

Ayon kay Anthony, ang acronym na WIND ang lagi nilang advice sa anak, “W – Walang plastikan, yun lang ang reminder namin sa kanya. We make sure that he’s true to who he is.

Baka Bet Mo: Payo ni Maricel kay Donny: Sana maka-inspire kayo ng ibang tao, na maabot din nila ang kanilang mga pangarap

“Walang gagawin na hindi mo gusto na hindi talaga ikaw na pinipilit ka lang. You’re gonna be who you are in every project that you do,” dagdag pa niya.

Pagpapatuloy ni Maricel, “I — Iisipin ang iba dahil hindi lang ikaw, you against the world. Kailangan you and me against the world.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sabi naman ni Anthony para sa letrang, “N – Nagbabasa ng kontrata. Basahin mo ang kontrata mo. Alamin mo ang deliverables mo.

“Si Donny, alam niya pati ilan ang deliverables niya. Ilan ang posts niya. Gagawin ba niya itong TikTok na ‘to o what have you.

“D – Darating ka on time. Yun lang, that’s it. The rest, bahala na siya,” paliwanag pa ni Anthony.

Nag-guest sa “Fast Talk with Boy Abunda” sina Maricel at Anthony para i-promote ang libro nilang “Marriage Is A Marathon” na naglalaman ng mga karanasan at pinagdaanan nilang challenges bilang mag-asawa.

Alay daw nila ito sa lima nilang anak na sina Ella, Donny, Hannah, Benjamin, at Solana.

Darryl Yap ‘kinilig’ kay Joel Lamangan: Dati yung mga gawa niya nagbibigay inspirasyon sa akin…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Luis Manzano hiniritan si Jessy Mendiola sa pagkakaroon ng anak: Gawa 1 more?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending