Maricel Laxa, Anthony Pangilinan muntik nang maghiwalay: 'Huwag natin pilitin, magkasundo na lang tayong maging magkaibigan tapos let's move on' | Bandera

Maricel Laxa, Anthony Pangilinan muntik nang maghiwalay: ‘Huwag natin pilitin, magkasundo na lang tayong maging magkaibigan tapos let’s move on’

Ervin Santiago - August 20, 2023 - 07:41 AM

Maricel Laxa, Anthony Pangilinan muntik nang maghiwalay: 'Huwag natin pilitin, magkasundo na lang tayong maging magkaibigan tapos let's move on'

Maricel Laxa at Anthony Pangilinan

TALAGANG nag-adjust at binago ng award-winning actress na si Maricel Laxa ang kanyang sarili alang-alang sa asawa niyang si Anthony Pangilinan.

Inamin ng seasoned actress na marami siyang isinakripisyo para mag-work ang marriage nila ni Anthony kahit pa nga dumating pa sa point na talagang ibang-iba na ang ipinakikita niya sa ibang tao.

Aminado ang celebrity couple na tulad ng mga ordinaryong mag-asawa ay dumaan din ang kanilang pagsasama sa maraming pagsubok, sa katunayan muntik na silang maghiwalay noon.

Parang marathon nga raw ang kuwento ng kanilang married life na siyang nilalaman ng isinulat nilang libro.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricel Laxa-Pangilinan (@mommymaricel)


“So, marami kaming lessons na natutunan doon, preparing, racing, recovering, and naisip namin ‘aba lahat ng lessons na ‘to puwede sa mga mag-asawa,’” pagbabahagi ni Maricel sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

Patuloy na kuwento ni Maricel, “I think kapag lumaki ka sa isang tahanan na may single parent ka, survivor ka. So when you see something not working, huwag natin pilitin, magkasundo na lang tayong maging magkaibigan tapos let’s move on.”

Baka Bet Mo: Maricel Soriano nagagalit sa mga anak kapag hindi nagpapaalam bago umalis: Hindi ninyo puwedeng gawin sa akin ‘yang mga mille-millennial kayo, no!

Sa mga unang taon ng kanilang pagsasama, talagang napakarami pa raw nilang natutunan at nadiskubre sa ugali ng isa’t isa.

“Siyempre marami kaming natuklasan about each other. Mga little things lang pero things that would annoy you,” sey ni Maricel.

Pag-amin naman ni Anthony, isa sa naging isyu sa pagsasama nila ng kanyang wifey ay ang adjustment bilang husband and wife, “Ang problema kasi kay Maricel, nag-adjust sa akin ‘yan para magkasama kami. I don’t think if you did it consciously, e.”

Patuloy pa niya, “Alam mo, outgoing ako, naging outgoing din siya. May mga kaibigan ako, kinaibigan niya rin lahat pero nung nag-asawa kami, ‘yun pala hindi pala siya ganu’n.”

“Introvert pala ako,” ang pag-amin naman ni Maricel.

Paglalahad pa ni Anthony, “Ayaw niya pala ng maraming kaibigan, ayaw niya pala ng lumalabas. Complete change yung personality niya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricel Laxa-Pangilinan (@mommymaricel)


Ginawa raw yun ng magaling na aktres at celebrity mom dahil gusto niyang mag-work ang relasyon nila ni Anthony, “I think ‘yung mindset na alam mo ng this is the one and you want to make it work without really thinking about it, I was adjusting to him.”

At tulad nga sa isang marathon, kinailangan nila ng tulong ng mga mag-asawang napagdaanan na ang mga challenges na kinakaharap nila.

“We got a lot of help from a lot of people. Parang marathon, kailangan mo ng coach, kailangan mo ng pinapalakpakan ka sa sidelights, otherwise you will quit.

“It’s a marathon. Sa marathon merong mga race na maraming bridges, kailangan umikot dito, may pababa kailangan mag-relax ka, so ganu’n din sa marriage.

“You have to talk to people who have been married before you kasi may ruta yan. Kapag wala kang idea sa ruta ng marriage, masa-shock ka, you cannot anticipate, you cannot prepare for it,” ayon pa kay Anthony.

Dagdag pa niyang pahayag, “You make a decision, you make a decision when you get married ‘di ba kapag wedding day, pero araw-araw pala kailangan magdesisyon ka.

“Sabi nila, madali yung decision making, yung decision management diyan tayo nahihirapan,” aniya pa.

Ipinagdiriwang ngayong 2023 nina Anthony at Maricel ang kanilang 30th wedding anniversary. Biniyayaan sila ng limang anak, kabilang na riyan ang sikat na sikat na ngayong si Donny Pangilinan.

Beauty Gonzalez nakipag-ayos na sa ina; pinayuhan ni Maricel Laxa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donny Pangilinan proud na proud kay Maricel Laxa at sa una nilang pelikula: ‘She’s such a gifted person’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending