Maricel Soriano nagagalit sa mga anak kapag hindi nagpapaalam bago umalis: Hindi ninyo puwedeng gawin sa akin ‘yang mga mille-millennial kayo, no!
DALAWANG lalaki ang anak ni Maricel Soriano, sina Sebastien at Marron at hindi na raw nadagdagan dahil period na, tapos na, ito ang kuwento niya kay Ogie Diaz para sa YouTube channel nito.
“Nag-period, eh. Hindi dot-dot-dot. Period, eh,” seryosong sagot ng aktres.
Susog ni Ogie, “Imagine kung may anak kayo ni Edu (Manzano).”
“Oo, ang guwapo siguro ng anak namin ‘no?”sagot ni Maricel.
Inaming hindi rin aware na apat na pala ang anak ng dati niyang asawa dahil, “hindi ko talaga alam ‘yung part na ‘yun. Medyo matagal kaming hindi nagkikita, eh. Hindi ako na-update kasi hindi naman ako ma-tsika na alamin ‘yung mga ganu’n hindi ko alam, baka naman sinekret niya ‘yun,” katwiran ng aktres.
Sa panayam kasi ni Maricel kay Edu ay doon lang nito nalaman na apat na, akala lang niya ay tatlo lang, sina Luis, Addie at Enzo. May Diego pa pala na edad 19 na.
Samantala, napag-usapan nina Marya at Ogie ang mga usong gimik ngayon na inuumaga na ng uwi.
“E, kasi ang party nagsisimula ng alas dose? Sabi ko, e, patay na si Cinderella nahuli na,” seryosong sabi ni Maricel habang tawa naman ng tawa si Ogie.
Hindi na raw kaya ni Marya ang mga ganitong klaseng gimik, “ay hindi ko na kaya (dahil) tulog na ako ng 10pm at hindi ko matanggap na early in the morning uuwi sila naka-shades.
“Sabi ko bakit silaw na silaw ba kayo sa araw? Bakit kamag-anak n’yo ba si Dracula? Paano n’yo nagagawa ‘yan? Ako nakakapagpuyat ako kahit 48 hours pero nagta-trabaho ako,” pangngatwiran ni Maricel na tinaguriang ‘Taray” noong panahon niya.
Kahit nasa hustong edad na ang mga anak ni Marya ay kinagagalitan pa rin niya ang mga ito kapag hindi nagpapaalam aalis ng bahay at magsasabi kapag dumating na.
“Ang mga anak ko hindi puwedeng ganyan halimbawa aalis nag-usap kami na Monday aalis siya, pagdating ng Monday wala na? Hindi nagpaalam? Kahit sinabi mo na sa akin dapat kumi-kiss bago umalis tapos pag dumating, ‘nandito na ako Ma’. Dapat ganu’n pero pag minsan nakakalimutan ako.
“Kaya sabi ko (sa mga anak), ‘which part ang hindi ninyo naintindihan sa sinabi ko? Uulitin ko at explain ko nang todo-todo, parang bingi? Dalawa lang ‘yun, bingi o tanga. Nakakainis kasi in-oohan ka pero hindi ginagawa! Bakit ba ganu’n?” kuwento ni Maricel kay Ogie.
Dagdag pa niya, “nu’ng bata ako hindi ako gumaganu’n hindi (puwedeng) hindi ako magpapaalam kahit nasabi ko na. Big deal talaga sa akin ang hindi magpaalam.”
Tanong ni Ogie ano ang ginagawa ni Maricel sa mga anak niya pag nakalilimot magpaalam.
“Kasi malaki na sila hindi na puwedeng pagalitan o padapain para paluin ng lalaki, e, malaki pa sa akin. So, paano? Ganu’n na lang?
Tanong daw ng mga anak,“Anong ganu’n na lang ‘Ma?
“Sabi ko, ganu’n na lang bastusan na lang tayo. Gusto n’yo pag ako rin umalis wala dedmahan? Kaya ko ‘yan hindi ko kayo kakausapin!
“Ay hindi ‘ma, ‘wag naman ganu’n (sabi ng mga anak) at nakaluhod na ‘yang mga yan na kapag sinabi kong hindi ko sila kakausapin dedma ako na kahit anong sabihin nila hindi ako sumasagot, bisi-bisihan ako,m o hindi nila kaya ‘yun,”paglalarawan ni Maricel sa relasyon niya sa mga anak.
Tanong pa ni Ogie, “hindi k aba nagtatampo na mas may oras pa sila sa cellphone?’
“Hindi cellphone, may nag-aayos ng motorsiklo, may nagko-computer game, minsan tinanong ko, ‘o, san kayo galing.’
“Sabi nila, ‘ah diyan lang may ano.’ Ano ‘yun? Puro ano ang narinig ko? Kssi baka ma-ano ko kayo pagka-ano. Ganu’n sinasabayan ko rin,” kuwento pa ni Maricel.
Hindi rin daw ubra sa aktres ang tinatawag na generation gap o iba na ang mga kabataan ngayon sa kasalukuyang henerasyon.
Sey ni Maricel, “Ay hindi wala akong pakiwalam sa henerasyon basta ‘yung mga anak ko kailangan ganito ang gagawin matuto kayong mag-ajust.
“Bakit ako ang maga-adjust sa inyo? Kahit bakla ako hindi ako naging ganyan no’n bata ako ‘no! Maano (magalang) ako kay mommy hindi puwedeng hindi ako magpapaalam at magpapakita pag umuwi ako. Hindi ninyo puwedeng gawin sa akin ‘yang mga mille-millenial kayo, no!” nanlalaking mga matang kuwento ni Maricel.
Ganito raw kasi pinalaki si Maricel ng Mama Linda niya iba pa ‘yung mga turo sa kanya ng daddy Dolphy at mommy Nida Blanca niya.
Habang lumalaki kasi si Marya noon ay sina Mang Dolphy at Ms. Nida ang kasa-kasama niya dahil sa sitcom nilang “Home Along Da Riles” na umabot sa mahigit isang dekada.
‘Hindi ba sila nababaduyan?’ tanong pa ni Ogie sa istilo ng pagdi-disiplina ng aktres sa mga anak.
“Subukan nilang mabaduyan, eto (muwestrang sasampalin), eto, subukan lang nila!” saad ni Maricel.
Dagdag pa, “may rules and regulations ang bahay kailangan susundin ninyo kasi pag hindi, ‘hit the door. Malalaki na kayo, di ba? Hit the door.”
Hindi naman daw diretsahang sinabing ‘lumayas na kayo’ pero kapag narinig na raw ng mga anak ang hit the door, iisa ang sabi nina Sebastien at Marron, “galit na si mama.”
Hinilingan na rin daw ni Maricel ang panganay niyang si Marron ng apo, pero sinagot siyang hindi pa time.
“Kasi noon lagi ko sinasabi na mag-condom sila dahil ayokong maging lola agad, e, namihasa naman yata sa condom ha, ha, haha ano ba ‘yun?” natawang pambubuking nito sa mga anak.
Muling inulit ni Maricel sana pagtuntong niya ng edad 60 ay may apo na siya na nagtatakbuhan sa loob ng bahay nila.
Related Chika:
Maricel Soriano naiisip na ring mag-retire sa showbiz: Pero hindi ko siya pwedeng talikuran!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.