Beauty Gonzalez nakipag-ayos na sa ina; pinayuhan ni Maricel Laxa
MALAKI ang pasasalamat ni Beauty Gonzalez sa teleseryeng “Paano Ang Pangako” na napapanood sa TV5 dahil naging bahagi ito kung paano sila nagkabati na kanyang ina.
Inamin ng aktres na matagal na silang may samaan ng loob at kamakailan lamang sila nabigyan ng pagkakataon na makapag-usap at magkaayos.
Kuwento ng aktres, “Huwag na ninyonh tanungin why kami nagtampuhan, kung bakit for some time ay hindi kami in good terms ng mom ko.
“What is important now is magkasundo na kami. Malapit na ang birthday ko and I am happy na okay na kami ng mom ko,” paliwanag ni Beauty.
Malaki rin ang naging bahagi ng kapwa niya aktres na si Maricel Laxa na gumaganap na mommy niya sa “Paano Ang Pangako” dahil sa payo nitong mag-reach out sa mama niya.
“She told me na dapat ako ang mag-reach out sa mom ko, which I did kaya I am very happy na magkasundo na kami,” sambit ni Beauty.
Dagdag pa niya, “It has really helped me learn a lot of lessons. I am normal again. I realized I can make people happy with what I do.
“Kaya kahit na I was away from my family while taping the series, okay lang kasi I am happy to be working. I am also thankful that I have a very supportive husband. I am happy and thankful for this show,” sabi pa ng aktres.
Isa pang magandang balita ay tumaas ang viewership ng “Paano ang Pangako” sa Visayas at Mindanao. Masaya si Beauty sa good news na ito lalo pa’t taga-Dumaguete City daw siya.
Kaya naman sobrang nagpapasalamat si Beauty kay Direk Perci Intalan ng IdeaFirst Company na isa sa director ng “Paano ang Pangako” at line producer din ng nasabing serye dahil sa panahon ng COVID-19 pandemic ay binigyan siya ng trabaho.
“We are living in uncertain times. Di ba parang abnormal ang takbo ng utak natin because of the pandemic?
“Kasi wala tayong trabaho at hindi natin alam kung kailan tayo magkakatrabaho, pero it was a good thing tumawag ang production team ng ‘Paano ang Pangako’ kaya may work na uli,” pahayag ng aktres.
Samantala, magtatapos na ang “PAP” sa loob ng dalawang linggo at may special marathon ang programa sa Sabado, Abril 3 mula 2 hanggang 7 ng gabi sa TV5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.