Kiko Pangilinan kay Donny: Salamat sa kusang-loob na pagsama kahit na nakurot ka
NAGPAABOT ng pasasalamat si vice presidential candidate Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa kanyang pamangkin na si Donny Pangilinan sa ipinakita nitong pagsuporta sa nagdaang “PasigLaban” sortie.
Sa kanyang Twitter account ibinahagi ng senador ang kanyang pasasalamat sa aktor at TV host.
“Salamat Donny sa kusang-loob ba pagsama sa people’s campaign kahit nakurot ka,” pabirong saad ni Sen. Kiko.
Salamat @donnypangilinan sa kusang-loob na pagsama sa People’s Campaign kahit na nakukurot ka.😅💗#DonnyLovesLeniKiko
I TINK PINK FOREVER NATO#KikoAngManokKo#7KikoPangilinanVicePresident#LeniKikoAllTheWay#KikoISDAKey#PasigLaban pic.twitter.com/BArJaentjA— Kiko Pangilinan (@kikopangilinan) March 21, 2022
Full force kasi ang naging pagsuporta nilang pamilya sa nagdaang people’s rally dahil sumabay ito sa vice presidential debate na inorganisa ng Commission on Elections.
Present rin ang kapatid ni Donny na si Hannah Pangilinan at ama nitong si Anthony Pangilinan.
Matapos ang kanyang pagkanta ng “Ikaw Ang Aking Mahal”, nagbahagi rin ang aktor ng kwento niya noong bata nang mag-summer job siya sa farm ni Sen. Kiko.
Ani Donny, “I am speaking from the heart, nandoon ang puso niya sa mga Pilipino. Sinasabi ko sa kanya, ‘Tito, I will support you all the way’.”
View this post on Instagram
Matapos ang kanyang performance at habang pabalik na sila ng kanilang sasakyan ay may kumurot sa aktor.
Isang TikTok video ang nakasagap ng insidente ng pangungurot kung saan kitang kita na nasaktan talaga ang binata.
Anyways, bago pa man ang pag-attend ni Donny sa PasigLaban rally, marami na sa mga kakampink ang naghahanap sa aktor sa tuwing magkakaroon ng sortie ang tambalang Leni-Kiko.
At ngayon ngang lumabas na si Donny, posible nga kayang masundan ang kanyang pagpunta sa people’s rally ng tiyuhin sa iba pang mga lugar?
Related Chika:
Donny Pangilinan pinanggigilan, kinurot ng lalaking fan sa mukha: Ang sakit nu’n, ah!
Donny Pangilinan ikinumpara kay Sandro Marcos, netizens nag-react: Hindi po siya public servant
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.