Donny Pangilinan pinanggigilan, kinurot ng lalaking fan sa mukha: Ang sakit nu'n, ah! | Bandera

Donny Pangilinan pinanggigilan, kinurot ng lalaking fan sa mukha: Ang sakit nu’n, ah!

Ervin Santiago - March 22, 2022 - 08:55 AM

Donny Pangilinan kinurot ng isang nanggigil na kakampink

Donny Pangilinan

PINANGGIGILAN ng isang fan ang Kapamilya young actor at TV host na si Donny Pangilinan nang dumalo sa “PasigLaban” rally nitong nagdaang Linggo, March 20.

Nagulat at talagang napa-“aray” ang binata nang bigla siyang kurutin sa pisngi ng isang lalaking dumalo sa campaign rally ni Vice President Leni Robredo sa Ortigas.

Hindi nakarating ang uncle ni Donny na si Sen. Kiko Pangilinan sa nasabing event (um-attend ng Vice Presidential debate ng COMELEC) kaya siya muna ang humalili rito.

Viral na ngayon sa social media ang video na ipinost ng isang netizen na may handle name na @bellepangilinan07 sa TikTok kung saan makikita nga si Donny na dinumog ng mga fans.

Dahil sa dami ng taong nakapaligid sa kanya ay nahirapang sumakay ang aktor sa kanilang van. Sa isang bahagi ng video ay kitang-kita na may kamay na kumurot sa pisngi ni Donny.

Siguradong nasaktan si Donny sa ginawa ng fan dahil dinig na dinig sa video na napa-aray ang aktor. Nilapitan at sinita ng isang security personnel ang kumurot sa anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan, “Sir, umayos ka, ha!”


Nag-sorry naman agad ang lalaking kumurot kay Donny, sabay sabing,  “Nanggigil lang ako.”

Sa isa pang video, makikita naman si Donny na sapu-sapo ang kanyang pisngi matapos panggigilan ng kanyang supporter. Lumingon pa nga siya uli para tingnan kung sino ang kumurot sa kanya.

Sabi ni Donny bago punasok sa van, “Ang sakit nu’n, ah!” Pero in fairness, kahit nasaktan ay kumaway pa rin siya sa mga nagsisigawang fans.

View this post on Instagram

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)


Samantala, pinagsabihan naman ng netizen na nag-post ng nasabing video na huwag namang kurutin ang kanilang mga idolo, “Woi grabe naman yon. iniingatan namin yan tas gaganyanin mo. Halatang nagulat si donny. #donbelle #donnypangilinan #bellemariano.”

Dagdag pa niyang paalala, “Guys sana naman wag ng ganito next time yung may nasasaktan.”

Nag-alala naman ang mga fans ni Donny at ng ka-loveteam niyang si Belle Mariano sa nangyari sa binata. Narito ang ilang tweet na nabasa namin.

Comment ni @donatotchi_10, “Grabee nasaktan talaga c donny kagabi hawak hawak pa nya pisngi nya.”

Sabi ni @ilysmdonnyyyyy, “Pakikalma po ang mga sarili at matuto rumespeto. Ikandado ang sarili kung di kaya ipirmi. Kalma lang whooo! Ang init na nga, umiinit pa ulo ko.”

Komento naman ng isa pang DonBelle supporter, “Sana naman mag-behave ang mga fans. Pwede namang hawakan o kamayan wag lang sasaktan lalo na sa mukha. it’s foul na. Sana hindi na maulit yung ganyang eksena.”

Nag-post din sa Twitter si Donny matapos um-attend ng “PasigLaban” rally at mukhang hindi naman niya ginawang big deal ang pangungurot ng fan sa kanya. Aniya sa kanyang tweet, “What a night.”

https://bandera.inquirer.net/283477/donny-proud-na-proud-sa-hes-into-her-pero-umaming-nape-pressure-dahil

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/289900/lgbtq-members-na-bad-trip-nang-makitang-magkasama-sina-pacquiao-at-bb-sa-us
https://bandera.inquirer.net/292887/hamon-ni-neil-sa-public-official-na-nang-insulto-kay-angel-kung-matapang-ka-talaga-kita-tayo-lalake-sa-lalake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending