Janice Jurado ibinuking ang 'past' nila ni FPJ | Bandera

Janice Jurado ibinuking ang ‘past’ nila ni FPJ

Therese Arceo |July 20,2023
facebook
share this

Janice Jurado ibinuking ang ‘past’ nila ni FPJ

Therese Arceo - July 20, 2023 - 04:12 PM

Janice Jurado ibinuking ang 'past' nila ni FPJ

NAGULAT ang madlang pipol sa naging shocking revelation ng nagbabalik-telebisyon na si Janice Jurado ukol sa diumano’y naging relasyon nila noon ng pumanaw na si Fernando Poe Jr. o mas kilala bilang si FPJ.

Sa isang panayam ay naikuwento nga ng aktres na nagtagal rin daw ang naging patagong relasyon nila noon ng King of Philippine Movie.

“Seven years. Du’n kami sa kuwadra lagi o kaya sa bahay,” saad ni Janice.

Chika pa niya, alam rin daw ito ng asawa ni FPJ na si Susan Roces na pumanaw na rin last year.

Ani Janice, may panghihinayang siyang nadarama na hindi nagbunga noon ang kanilang pagmamahalan.

Hindi na rin kasi siya makakapagdalang tao matapos ang naging car accident na naranasan niya.

Baka Bet Mo: Veteran actress Janice Jurado umaming nag-drugs nang magkabukol sa dibdib

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janice Jurado (@janice.jurado.359)

“Sayang nga p*nyeta. Nako kung ako nabubuntis pa non, magpapaanak ako kahit apat. Kasi nung time na ‘yon naaksidente na ko, pumasok ‘yung manibela sa tiyan ko, tumama sa matres ko,” sey pa ni Janice.

Bukod pa rito ay ibinahagi rin niya ito sa anak ni FPJ na si Lovi Poe ang namagitan sa kanilan ng yumaong aktor.

Kasalukuyang magkasama sa “FPJ’s Batang Quiapo” sina Janice at Lovi.

Wala namang naging reaksyon ang anak ni FPJ sa kanyang spluk. Pinuri naman niya ang dalaga dahil sa kabaitan nito.

Chika pa nga ni Janice, madalas raw na magkasama silang tatlo nina Lovi at Toni Fowler sa dressing room at napalapit na ito sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami naman sa mga netizens ang nakiusap na sana ay huwag na raw mag-ungkat ng nakaraan lalo na’t pumanaw na ang mga taong dawit sa isyu at hindi na makapaglalabas ng pahayag upang ipagtanggol ang sarili.

Related Chika:
Lovi inialay kay FPJ ang paglipat sa ABS-CBN: It makes me feel close to my father

Toni Fowler nag-attitude, nag-walkout sa taping ng ‘Batang Quiapo’: ‘Hindi ko na talaga kaya Direk, tanggalin n’yo na lang ako!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending