Claudine Barretto may pa-’blind item’, naghahanda sa ‘giyera’

Claudine Barretto may pa-’blind item’, naghahanda sa ‘giyera’: The witch hunt begins…Lalaban na ‘ko!

Pauline del Rosario |October 09,2023
facebook
share this

Claudine Barretto may pa-’blind item’, naghahanda sa ‘giyera’: The witch hunt begins…Lalaban na ‘ko!

Pauline del Rosario - October 09, 2023 - 11:47 AM

Claudine Barretto may pa-’blind item’, naghahanda sa ‘giyera’: The witch hunt begins…Lalaban na 'ko!

PHOTO: Instagram/@claubarretto

TILA ibinunyag ng batikang aktres na si Claudine Barretto na may pinagdadaanan siya ngayon.

Ito ay nabunyag sa kanyang recent Instagram post kung saan proud niyang ipinakita na binisita siya ng volleyball legends na sina Kai Nepomuceno and Ken Baloaloa.

Ayon kay Claudine, nagpapasalamat siya sa dalawa dahil sinorpresa siya ng mga ito ngayong may pinaghahandaan siyang laban.

“A few days ago, I got a visit from my volleyball babies. I didn’t want them to see me in pain because of certain issues and people who are taking me down again,” kwento niya sa IG.

Patuloy niya, “As an ate to my volleyball babies I’ve to be strong for my little sisters just in case they need me, but they came in full force to embrace, pray for & pray with me.”

Baka Bet Mo: Rita Daniela ibinunyag na pinaglihian si Mavy Legaspi: ‘Super titig ako sa kanya habang nagwo-work…’

“You my volleyball babies thank u for surprising me when I was starting to isolate & gain strength for the battle ahead,” saad pa niya.

Walang nabanggit na mga pangalan si Claudine kung sino ang mga pinatatamaan niya sa post, pero tiniyak ng aktres na lalaban na raw siya this time.

Ibinunyag niya rin na ito ‘yung mga taong nagiging dahilan kaya nawawalan siya ng mga proyekto.

“The battle that I’ll be going through. I’m done protecting these people. The witch hunt begins.”

“I’ve been losing projects left and right because of these two people and their minions. Lalaban na ako.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Margaret Barretto (@claubarretto)

Sa comment section, makikita ang halo-halong reaksyon sa naturang post ni Claudine kung saan may mga nanghula kung sino ang tinutukoy niya, habang ang iba naman ay nagpaabot ng “words of encouragement” sa kanya.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin mula sa netizens: 

“Nakapagtataka sino ‘yung dalawang tao na tinutukoy ni Claudine. Si Raymart lang yata ang battle na pinaghahandaan niya magkokorte ulit yata sila dahil sa 4 million na kinuha lahat daw ni Raymart abang-abang.”

“You are the Optimum Star for a reason, Claudine. Wag na wag ka magpapatalo sa mga gustong sumira sayo. Wala pang kaya tumalo sa galing mo pagdating sa pag arte. ‘Wag ka panghinaan ng loob. Tandaan mo, ang mga taong may masamang hangarin pagdudusahin. God bless you and your children, Claudine. Pakatatag ka.”

“Kung ang isa sa pinaghahandaan niyo po ay ang laban mo sa custody ng anak mo pinagdarasal ko sana manalo ka. Bakit hanggang ngayon gusto niyang makuha custody ng anak niyo?”

“Laban lang idol @claubarretto nandito lang kami lahat ng sumusuporta at nagmamahal sayo, hinding-hindi ka namin iiwanan. Kung sino man ‘yang humahadlang sa mga projects mo, hinding-hindi magtatagumpay ‘yan tandaan niya hindi natutulog ang Diyos may balik sa kanya yan..basta be strong idol@claubarretto. ‘Wag kang susuko, mahal na mahal ka namin lagi mo tatandaan yan.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iconic villain ng Marvel ginawan ng sariling pelikula, ibibida ang kwento ng ‘Kraven the Hunter’ bago naging kontrabida

Campaign color ng ama ni Ella Cruz walang konek kay VP Leni; farm hunting ni Xian napurnada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending