Iconic villain ng Marvel ginawan ng sariling pelikula, ibibida ang kwento ng ‘Kraven the Hunter’ bago naging kontrabida
MAGKAKAROON ng sariling pelikula ang isang iconic villain mula sa Marvel Cinematic Universe (MCU).
Ito ay si “Kraven the Hunter” na ginagampanan ng English actor na si Aaron Taylor-Johnson.
Para sa kaalaman ng marami, ang nasabing action film ay istorya kung paano at bakit nabuo ang isang sikat na kontrabida.
Ang setting nito ay bago pa niya maging kalaban ang superhero na si Spider-man.
At speaking of sa tinaguriang friendly neighborhood na superhero, tila may pagkakahawig kung paano nakuha ni Kraven ang kanyang super powers.
Mapapanood sa pelikula na imbes gagamba, si Kraven ay kinagat at nilapa ng isang leon matapos silang mangaso ng kanyang ama.
Sa umpisa ay tila namatay si Kraven, ngunit siya ay biglang nabuhay at nagtataglay na ng kapangyarihan na tulad ng isang leon.
Baka Bet Mo: Jennifer Lawrence, Andrew Barth Feldman umaapaw ang chemistry sa ‘No Hard Feelings’, pinuri ng direktor
Ang istorya ng pelikula ay base sa Marvel Comics at mula sa direksyon ni J.C. Chandor.
Bukod kay Aaron, makakasama niya sa upcoming film ang ilan pang Hollywood stars tulad nina Ariana DeBose, Fred Hechinger, Alessandro Nivola, Christopher Abbott at Russell Crowe.
Ang “Kraven the Hunter” ay inaasahang mapapanood sa mga lokal na sinehan sa darating na Oktubre.
Related Chika:
Batman, Super Girl, The Flash nagsama-sama sa bagong pelikula ng DC
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.