Rita Daniela ibinunyag na pinaglihian si Mavy Legaspi

Rita Daniela ibinunyag na pinaglihian si Mavy Legaspi: ‘Super titig ako sa kanya habang nagwo-work…’

Pauline del Rosario |June 16,2023
facebook
share this

Rita Daniela ibinunyag na pinaglihian si Mavy Legaspi: ‘Super titig ako sa kanya habang nagwo-work…’

Pauline del Rosario - June 16, 2023 - 11:35 AM

Rita Daniela ibinunyag na pinaglihian si Mavy Legaspi: ‘Super titig ako sa kanya habang nagwo-work…’

PHOTO: Instagram/@missritadaniela

MASAYANG ibinunyag ng Kapuso actress at first time mom na si Rita Daniela na ang aktor na si Mavy Legaspi ang kanyang napaglihian noong siya’y buntis kay Uno.

Ikinuwento ‘yan mismo ng aktres sa King of Talk na si Boy Abunda sa programang “Fast Talk” matapos siya tanungin kung sino-sino ang mga pinaglihian niyang gwapo.

Pagmamalaki pa ng ni Rita, tila nakuha ng kanyang Baby Uno ang dimples ni Mavy.

“Kitang-kita niyo naman, may dimples si Uno e. Pinaglihian ko kasi si Mavy Legaspi,” masayang sinabi ng aktres kay Tito Boy.

Ayon pa sa kanya, nagpaalam pa siya mismo sa aktres at on-screen partner nito na si Kyline Alcantara.

Baka Bet Mo: Rita Daniela hiwalay na sa tatay ng kanyang anak: ‘We really tried our best just like everybody else but it didn’t work out’

Chika niya, “Nagpaalam ako kay Kyline. Sabi ko, ‘Kyline, okay lang ba na paglihian ko si Mavy?,’ Sabi niya, ‘Go lang! Go lang!’”

“Ako naman, super titig kay Mavy habang nagwo-work ako sa All-Out Sundays,” sambit pa niya.

Kung maaalala, noong Abril nang opisyal nang ipinakita at ipinakilala ni Rita sa publiko ang kanyang anak.

Magugunitang December 22 nang manganak si Rita, ngunit ibinalita niya ito noong December 24 sa social media.

Ayon pa sa kanya, si Baby Uno ang “greatest gift” sa kanyang buhay.

Ibinandera ni Rita Daniela ang kanyang pagbubuntis noong June 2022 sa isang episode ng Kapuso show na “All-Out Sundays.”

Maraming ang nabigla sa announcement ng singer dahil wala raw silang idea na magiging mommy na siya.

“I’m so happy and proud to say that I am soon to be a mother. Wala naman po akong planong ilihim ‘to. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life,” mensahe ni Rita.

Samantala, kinumpirma ng aktres na hiwalay na siya sa non-showbiz partner at ama ng kanyang anak matapos ang apat na taon.

Gayunpaman, sinabi ng Kapuso star na nananatili pa rin silang magkaibigan.

Related Chika:

Kitkat pinaayos ang kilay at lashes bago manganak: Pak! Siyempre full smile rin para walang panget moment sa pictures!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rita Daniela lalaki ang magiging panganay na anak: My boy, you are an answered prayer…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending