Rita Daniela hiwalay na sa tatay ng kanyang anak: 'We really tried our best just like everybody else but it didn't work out' | Bandera

Rita Daniela hiwalay na sa tatay ng kanyang anak: ‘We really tried our best just like everybody else but it didn’t work out’

Ervin Santiago |June 15,2023
facebook
share this

Rita Daniela hiwalay na sa tatay ng kanyang anak: ‘We really tried our best just like everybody else but it didn’t work out’

Ervin Santiago - June 15, 2023 - 10:39 PM

Rita Daniela hiwalay na sa tatay ng kanyang anak: 'We really tried our best just like everybody else but it didn't work out'

Rita Daniela at Baby Uno

MAKALIPAS ang apat na taon, nauwi rin sa wala ang relasyon ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela sa kanyang non-showbiz partner.

Yan ang kinumpirma ni Rita sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” ngayong araw, June 15. Ang tinutukoy niya ay ang tatay ng kanyang anak na si Baby Uno.

Naghiwalay na po kami nu’ng tatay ni Uno. We really tried our best just like everybody else but it didn’t work out,” pag-amin ng aktres at celebrity mom kay Tito Boy.

Pero sa kabila nito, sinabi ng Kapuso star na naghiwalay sila ng naayos ng guy at nananatili pa rin daw silang magkaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela)


Nagkasundo rin sila na magtutulungan at magsusuportahan sila sa pag-aala at pagpapalaki sa kanilang anak at maayos ang naging co-parenting agreement nila para kay Baby Uno.

Sabi pa ni Rita, “I’m actually proud of ourselves, kaming dalawa, kasi hanggat maaga inaayos na namin siya para kapag lumaki na si Uno, alam mo po ‘yun, peaceful po kami and we can still be a family na wala nang mga isyu-isyu sa both sides.”

Ang una raw niyang sinabihan na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend at ang kanyang kapatid, “Ang sinabi ko noon, ‘Ate I think wala na kami,’ ganu’n lang, casual. ‘At saka sigurado na kami.’

Baka Bet Mo: Rita Daniela na-bad trip sa chikang hiwalay na sila ng tatay ng magiging anak: Wala po akong ginagawang masama sa inyo!

“Kasi alam naman ng family ko na tina-try namin many times. Matagal din kami together, almost four years. We really tried our best,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa niyang rebelasyon, “I’m happy kasi klaro naman ‘yun sa aming dalawa na ito ‘yung papel namin sa buhay ni Uno. But of course definitely masakit, painful ‘yun sa akin bilang nanay.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela)


Tinanong din siya ni Tito Boy kung ano ang sasabihin niya sa anak tungkol sa paghihiwalay nila ng tatay nito, “Sinabi ni Uno halimbawa sa ‘yo, ‘Mom, what happened to Dad?’ How will you explain that to him?”

“Ang sasabihin ko, ‘Anak, si nanay at tatay nagmahalan nang sobra kaya dumating ka. Nagkataon lang talaga anak na may mga bagay sa buhay na hindi para sa isa’t isa, at isa kami roon ng tatay mo. That’s what happened,” sabi ni Rita.

Ito naman ang mensahe ng Kapuso actress at TV host kay Baby Uno, “First of all thank you so much for giving me this opportunity because not every mom can have this opportunity.

“Uno, nanay will always love and support you now matter what. I love you for who you are, keep being you and I’m very proud of you.

“Always remember anak that you are kind, you are important, you are loved, you’re blessed, that Jesus loves you and He’s always with you.

“I promise to sing for you, always and forever. So anak, ano ba tayo, red wine or white wine?” pahayag pa ni Rita Daniela.

Ipinanganak ni Rita si Baby Uno noong December, 2022. Ayon nga sa aktres, isa sa biggest blessing na natanggap niya last Christmas season ang pagdating ng anak sa kanyang buhay.

Rita Daniela may pa-face reveal kay Baby Uno, opisyal nang ipinakilala sa madlang pipol: ‘My hope and my home’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kitkat pinaayos ang kilay at lashes bago manganak: Pak! Siyempre full smile rin para walang panget moment sa pictures!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending