Bwelta ni Ogie kay Willie sa isyung pag-alis ng kanyang talents: Hindi po ako iniwan, maayos po kaming naghiwalay | Bandera

Bwelta ni Ogie kay Willie sa isyung pag-alis ng kanyang talents: Hindi po ako iniwan, maayos po kaming naghiwalay

Pauline del Rosario |February 13,2023
facebook
share this

Bwelta ni Ogie kay Willie sa isyung pag-alis ng kanyang talents: Hindi po ako iniwan, maayos po kaming naghiwalay

Pauline del Rosario - February 13, 2023 - 10:29 AM
Bwelta ni Ogie kay Willie sa isyung pag-alis ng kanyang talents: Hindi po ako iniwan, maayos po kaming naghiwalay

INISA-ISA ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz ang isyu na inungkat ng TV Host na si Willie Revillame tungkol sa kanya.

‘Yan ay ilang araw matapos siyang mapag-initan ng TV host sa programang “Wowowin” na nagkakalat daw umano ng kanyang bad image sa publiko.

Sa YouTube vlog ni Ogie na “Showbiz Update” ay mahaba-haba ang naging talakayan upang sagutin ng vlogger nang isa-isa ang mga isyu na binanggit ni Willie laban sa kanya.

Isa na nga riyan ang pag-kwestyon ni Willie kung bakit siya laging iniiwan ng kanyang talents.

Paglilinaw ni Ogie, “Hindi po ako iniwan. Maayos po kaming naghiwalay Willie.”

Nagawa pang isa-isahin ng talent manager ang dati niyang talents na ang komedyanteng si Vice Ganda at aktres na si Liza Soberano.

Sey niya, “Si Vice Ganda, almost five years kami at hanggang ngayon ay magkaibigan kami ni Vice kasi pinili namin ‘yung nauna naming relasyon na maging magkaibigan kami kaysa maging manager-talent ang aming relasyon.”

Patuloy pa ni Ogie, “Pangalawa, si Liza Soberano ay natapos na ang kontrata sa akin. 11 years lang naman kaming nagsama ni Liza bilang manager-talent.”

Giit pa ng vlogger, “Ngayon, kung tinatanong mo ako kung bakit ako iniwan, hindi ako iniwan, pareho kaming nag desisyon. Mutual ‘yung desisyon.”

At dahil nga diyan ay tila na-trigger na si Ogie at biglang bumira na ng tanong laban kay Willie.

“Eh kung ganun lang din ang usapan, edi itatanong ko na rin kay Willie, bakit hindi nagtatagal mga co-host mo? Hindi umaabot ng 4 and a half years? Hindi umaabot ng 11 years? Mas matagal ‘yung akin kaysa sayo,” sabi ni Ogie.

“E ‘yung mga co-hosts mong bading, bakit hindi nagtatagal? Sasabihin siguro ni Willie, ‘baka may deperensya ‘yung mga bakla.’ Hindi ba pwedeng it takes two to tango, baka pwedeng alamin ni Willie kung baka may problema sa side niya?,” dagdag niya.

Bagamat halos magsimula nang uminit ang ulo ni Ogie, pero napigilan pa niyang magsalita ng masama laban sa TV host.

Sabi niya, “Marami pa, marami pa akong alam na parang at this point of my career ay parang sa edad ko na ito, hindi na para tira-tirahin ko pa ito.

“Ako, mas naiintindihan ko pa si Kuya Wil. ‘Yung mga ano nila na pinapahiya ‘on air’, ‘yung pinapahiya ‘on air’ bahagi ba ng pagpapatawa ‘yun? Hindi naman ako naging co-host pero jusko, hindi ko naman papayagan na ganyan-ganyanin ako ng main host,” aniya.

Related chika:

John Lloyd hindi iniwan si Maja noong naging kontrobersyal ang love life

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin kinontra si Barbie: Dapat tanggapin niyang siya ang iniwan

Alden muntik nang maging girlfriend si Julie Anne: ‘I’m very sorry iniwan kita, sana napatawad mo na ‘ko’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending