John Lloyd hindi iniwan si Maja noong naging kontrobersyal ang love life | Bandera

John Lloyd hindi iniwan si Maja noong naging kontrobersyal ang love life

Therese Arceo |August 19,2021
facebook
share this

John Lloyd hindi iniwan si Maja noong naging kontrobersyal ang love life

Therese Arceo - August 19, 2021 - 03:07 PM


ISA ang aktres at business owner na si Maja Salvador sa mga artistang nagkaroon ng kontrobersyal na lovelife sa industriya.

Matatandaan na taong 2013 nang maging maugong ang pangalan ni Maja dahil sa pakikipag-date sa dating karelasyon ng malapit na kaibigan na naging dahilan ng pagkakasira ng kanilang pagkakaibigan.

Maayos naman na ang lahat at naging magkaibigan na muli si Maja at ang isa pang Kapamilya actress, isa ito sa mga hindi malilimutan at hindi maiiwasang maungkat mula sa nakaraan.

Nang tanungin siya ni Doc Aivee sa vlog nito kung ano ang pinaka nakakabaliw na ginawa niya para sa pag-ibig, muli na naman itong naalala ng aktres.

Amin niya, isa si John Lloyd Cruz sa mga kaibigang hindi siya iniwan sa kasagsagan ng kontrobersya.

“Hindi ko makakalimutan ‘yung sinabi ni John Lloyd sa akin nung time na may issue ako sa love.

“Sabi niya, ‘ang bata mo para i-risk ang career mo’. Noong sinabi niya ‘yun, tumatak talaga sa akin ‘yun,” paglalahad ng dalaga.

Ayon pa sa kanya, palagi siyang kinukumusta ng aktor sa tuwing may taping siya at lagi nitong sinisigurado na ayos lang siya.

“Everyday tumatawag ‘yan. Kunyari may taping ako, sabi niya, ‘Kumusta ka dyan sa set? Walang nang-aaway sa’yo? Sabihan mo ko kapg may nangbastos’ mga ganyan.

“So nandoon ‘yung okay… Okay lang ako kahit anong pinasok ko. At least I know, nandyan ‘yung friends ko,” dagdag niya.

Sa ngayon, isa si John Lloyd Cruz sa mga talents ng Crown Artist Management na pagmamay-ari ni Maja.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagkasama ang dalawa sa pelikulang “One More Chance” (2007) at “24/7 in Love” (2012).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending