Derek: Wala kaming problema ni John Lloyd, hindi rin kami bestfriends
TUNAY na anak na ang turing ng hunk actor na si Derek Ramsay kay Elias Modesto, ang kaisa-isang anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz.
In fairness, super happy ang married life nina Derek at Ellen at palaging nagpapasalamat ang dating sexy actress sa kanyang asawa dahil mahal na mahal nito si Elias.
Makikita sa mga Instagram post ni Derek na super close talaga sila ng anak nina Ellen at Lloydie kaya naman marami ang pumupuri sa kanya bilang stepdad.
Baka Bet Mo: Derek hindi inaagaw si Elias kay John Lloyd: Mabuti siyang tatay at wala kaming isyu
Sa panayam kay Derek ng ating kaibigan at colleague na si Morly Alino para sa YouTube channel niyang “Ito ang Tondo”, ibinandera ng aktor ang kanyang pagmamahal kay Elias.
View this post on Instagram
“Elias is a beautiful child. Ang sarap niyang kasama. May problema ka na sa sarili mo kung hindi mo kayang mahalin ‘tong batang ‘to.
“He’s a great kid. So for me, it was just natural for me to fall in love with this boy as part of Ellen,” pahayag ni Derek.
Mariing dinenay ng aktor ang akusasyon sa kanya ng mga bashers na isang “act” lang daw ang ipinakikita niyang kabutihan kay Elias.
Baka Bet Mo: John Lloyd sa pagiging tatay ni Elias: ‘Sobrang panalo, napakasuwerte ko! Parang iniligtas niya ang buhay ko!’
“Pero anong act? Asawa ko ‘yan. Anong acting? Honeymoon namin, kasama namin ’cause I want Elias to experience Africa with us. Lagi kong hinahanap ‘yan,” ang pahayag ni Derek.
At tungkol naman sa relationship nila ni John Lloyd, “Wala naman kaming problema. Hindi naman kami bestfriends.”
View this post on Instagram
Sabi ni Morly, “Hindi kayo bestfriends pero hindi rin kayo magkaaway.”
“Hindi. Si John Lloyd, kasi Elias has school now so Monday to Friday, sa amin siya, then sa weekends, sa Papa niya,” saad ni Derek kasabay ng pagsasabing okay na okay ang co-parenting set-up nina Ellen at John Lloyd.
Mariin din niyang pinabulaanan ang chika na inangkin na niya ang karapatan bilang tatay ni Elias, “No, I would never disrespect him, I know my place. Kumbaga, second best, hanggang du’n lang ako.”
Super happy din daw ang pagsasama nila ni Ellen bilang mag-asawa, “Wala akong galit, wala akong problema. Gigising ako, makikita ko ‘yung magandang asawa ko, nilalaro ko ‘yung sport ko na gusto kong gawin.
“Wala akong wino-worry, my mom and my dad are healthy, nakikita ko sila all the time ngayon kasi nga nag-step away muna ako sa showbiz.
“I get to spend time with people I love and masarap ‘yun ‘di ba? Lagi mo silang kasama habang nandito pa sila,” aniya pa.
Feeling din ni Derek kahit daw nananahimik na siya ay tuloy pa rin ang pang-iintriga sa kanya, “Alam mo, parang hindi pa rin, e.
“Wala na nga ako, ang dami pa ring intrigang nangyayari. Sabi ko nga, ‘Tigil-tigilan niyo! Bakit ako pa rin?’ Tahimik lang ako. Dati nu’ng nasa showbiz, hindi ko na lang pinapansin. Pero ngayon I’m stepping away na, parang wala, nakakainis na parang ikaw pa rin (ang pinag-uusapan),” sey pa ni Derek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.