Anak nina Maja at Rambo bininyagan na; Kathryn, Darren, Piolo present
BININYAGAN na ang panganay na anak nina Maja Salvador at Rambo Nuñez na si Maria Nuñez kahapon, September 14.
Base sa mga litratong naka-post sa social media, nakasama nina Maja at Rambo sa binyag ni Maria ang kanilang mga pamilya at ilang malalapit na kaibigan in and out of showbiz.
Ilan sa mga dumalo sa binyagan ay sina Kathryn Bernardo, Piolo Pascual, Darren Espanto, Kakai Bautista, Maine Mendoza, Dr. Aivee Aguilar Teo, at marami pang iba.
“Ninong duties. Baptised na si Maria!” ang caption ni Darren sa kanyang socmed post.
Baka Bet Mo: Catriona, Marco, Cristine ibinandera ang ‘love’ sa Diyos, muling nagpabinyag
“Welcome to the Christian world baby Maria! Congratulations to the new mom and dad @maja & @rambonunez! We love you guys!” ang mensahe naman ni Dr. Aivee sa kanyang Instagram post.
Narito pa ang ilang natanggap na pagbati ni Maria mula sa mga netizens.
View this post on Instagram
“Welcome to Christian world Maria. God bless you always.”
“Cute nmn baby Maria Reanna ,marunong n humawak.”
“It’s giving peace. congratulations Mr and Mrs N!”
“Love love knmin bbaby maria khit anu pa itsura mo kc ank tyo lhat ng dios.”
Matatandaang isinilang ni Maja ang unang anak nila ni Rambo noong May 31 sa Canada. Kasunod nito, ni-reveal ng aktres at TV host ang pinagdaanang hirap sa panganganak kay Maria.
“Exactly a week ago… I experienced an intense 30-hour labor, 12 hours without epidural, 3 hours of pushing.
“Then ended up having episiotomy and forceps. 2 contractions and 7 pushes later, we finally welcomed our baby Maria,” pagbabahagi ni Maja sa kanyang Instagram post.
Ibinalita rin ng aktres na nagkaroon siya ng uternine inversion pagkatapos manganak. Ayon sa isang health website, ang uterine inversion ay isang “rare but serious complication during childbirth where your uterus turns partially or entirely inside out.”
Pahayag ni Maja, “3 OB GYN were there trying to put back my uterus manually which led to blood loss of 3 to 4 liters, then my blood pressure went down to 60/40, sinabihan na lang ako ng Doula ko na anytime I would have to go to the operating room for surgery.
“That time sabi ko nalang sa sarili ko na I can’t do anything anymore… ubos na ubos na lakas ko… I started praying Hail Mary… paulit ulit kahit wala na akong lakas.
“And miraculously, after their last attempt, one of the OB GYN succeeded in repositioning my uterus. AMEN!” pagbabahagi ng celebrity mom.
“Despite the challenging journey, gusto kong i-express ang gratitude ko to all the medical personnel na nandun nun, especially to the Filipino nurses who provided unwavering care and support.
“To My Husband, I LOVE YOU. To My Maria, EVERYTHING IS WORTH IT! I LOVE YOU ANAK!” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.