Cryptic post ng ina at kapatid ni Barbie Forteza patama kay Jak Roberto?
MAKAHULUGAN ang ipinost sa social media ng nanay ni Barbie Forteza na si Imelda Forteza pagkatapos aminin ng Kapuso actress na hiwalay na sila ni Jak Roberto.
Bukod dito, binigyan din ng kahulugan ng mga netizens ang post ng kapatid ni Barbie na si Gabrielle Vierneza na may konek tungkol sa usaping “kaligayahan.”
Feeling ng mga netizens, may malalim ngang dahilan ang biglaang breakup nina Barbie at Jak at posibleng ang Kapuso hunk actor ang nagkaroon ng isyu sa kanilang relasyon.
Na-shock ang mga fans and supporters ng JakBie (tawag sa ex-couple) sa naging announcement ni Barbie kagabi, January 2, na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend matapos ang pitong taon nilang pagmamahalan.
Baka Bet Mo: Barbie Forteza todo flex kay Jak Roberto, tinawag na ‘tahanan’ ang aktor
In fairness, inakala na nga ng marami na sa kasalan na rin mauuwi ang kanilang relationship dahil marami-rami na rin silang napagdaanan at napagtagumpayan na mga pagsubok.
Inilarawan pa ng aktres na “beautiful goodbye” ang kanilang breakup kasabay ng pagpapasalamat kay Jak sa seven years nilang samahan.
View this post on Instagram
“Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.
“Your love was exceptional.
“But sometimes, good things fall apart so better things can come together.
“Beautiful goodbye, @jakroberto.”
Kasunod nga nito, napaisip ang mga netizens sa tila cryptic post ng nanay at kapatid ni Barbie pagkatapos ilantad ng aktres ang breakup nila ni Jak.
Mababasa sa Instagram Story ni Mrs. Imelda Forteza, “No one knows how much you went through this year, but you stayed strong and didn’t quit.”
Makikita na ang salitang “didn’t” sa kanyang post ay nilagyan niya ng “X” sign (sa mga letrang n’t) kaya ang lumabas ay “did.”
Dugtong pang mensahe ng nanay ni Barbie, “I’M SO PROUD OF YOU.”
Samantala, bago ang public announcement ni Barbie about the breakup, nag-post ang kapatid niyang si Gabrielle last January 1, 2025 sa X (dating Twitter) ng litrato ng aktres na nakatingalang tumatawa.
Ang nakalagay sa caption ay, “Gusto ko happy ka.”
Sinagot naman siya ni Barbie ng, “Hahahahahaha!!!”
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay tsinek uli naming ang mga social media accounts ni Jak pero wala pa rin siyang post tungkol sa paghihiwalay nila ni Barbie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.