Payo ni Rita Daniela sa mga first-time mommy: 'I-enjoy n'yo rin 'yung challenging times sa pag-aalaga ng baby' | Bandera

Payo ni Rita Daniela sa mga first-time mommy: ‘I-enjoy n’yo rin ‘yung challenging times sa pag-aalaga ng baby’

Ervin Santiago |May 15,2023
facebook
share this

Payo ni Rita Daniela sa mga first-time mommy: ‘I-enjoy n’yo rin ‘yung challenging times sa pag-aalaga ng baby’

Ervin Santiago - May 15, 2023 - 02:25 PM

Payo ni Rita Daniela sa mga first-time mommy: 'I-enjoy n'yo rin 'yung challenging times sa pag-aalaga ng baby'

Rita Daniela at Baby Uno

ITINUTURING na isa sa mga biggest blessing na natanggap ng Kapuso actress-singer na si Rita Daniela sa kanyang buhay ay ang pagiging isang nanay.

Ayon sa celebrity mommy, napakaswerte at feeling blessed talaga na nabigyan siya ng pagkakataon na magbuntis at manganak at mabiyayaan ng super cute at super bait na baby.

Isinilang ng Sparkle artist ang panganay niyang si Juan “Uno” Rafael noong December 22, 2022 kaya naman nasabi niyang “perfect Christmas gift” ang pagdating ng bata sa kanyang buhay pati na rin sa kanyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela)


Sey ni Rita, isa ring “answered prayer” mula kay Lord si Baby Uno kaya naman paulit-ulit siyang nagpapasalamat sa Itaas at nagdarasal na sana’y mapalaki niya nang maayos ang anak.

“I have to say I’m really, really a happy person right now, because it’s an answered prayer, kasi ever since, one of my dreams is to be a mom,” ang pahayag ni Rita sa panayam ng “24 Oras”.

Baka Bet Mo: Ken Chan nagsalita na sa pagbubuntis ni Rita Daniela: I’m so proud of you

Dagdag pa niyang chika patungkol sa baby, “Uno is such a lovely, lovely baby, sobrang bait ni Uno talaga and wala na ako ibang mahihiling pa.”

Kasunod nito, nag-share rin ang dating ka-loveteam ni Ken Chan sa GMA, ng ilang advice para sa mga katulad niyang first-time moms patungkol sa mahirap ngunit fulfilling journey ng isang nanay.

“I-enjoy n’yo rin ‘yung hard times, ‘yung challenging times. ‘Yung pagka umiiyak ‘yung baby n’yo, ‘yung parang naghahabol kayo sa oras, kailangan ma-change n’yo na ‘yung nappies.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela)


“I-enjoy n’yo ‘yun at talagang alalahanin n’yo ‘yun, kasi mabilis lang ang oras. Bukas, makalawa hindi na natin magagawa ‘yun with them ‘di ba. Ibang journey na naman ‘yung tatahakin natin,” paalala ni Rita sa lahat ng mga nanay.

Wala namang binanggit si Rita sa nasabing panayam kung kailan siya babalik sa mundo ng showbiz. Pero mukhang matatagalan pa bago siya umarte uli sa harap ng mga camera dahil mas gusto yata niya na mag-focus muna ngayon sa pagiging ina.

Sa kanyang Instagram account, nag-post din ang aktres ng kanyang Mother’s Day message kalakip ang mga litrato nila ni Baby Uno. Aniya sa caption, “My first mother’s day with you, my Uno. You have been such a good boy!

“Hindi mo pinahihirapan si Nanay. A very sweet boy! To more memories with you, anak! Nanay loves you,” sabi pa ni Rita sa kanyang caption.

Rita Daniela may pa-face reveal kay Baby Uno, opisyal nang ipinakilala sa madlang pipol: ‘My hope and my home’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kitkat pinaayos ang kilay at lashes bago manganak: Pak! Siyempre full smile rin para walang panget moment sa pictures!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending