Angeline nag-explain na sa kanyang viral blooper sa ASAP: 'Hindi kasi kami nasabihan agad na kami na ang susunod na prod' | Bandera

Angeline nag-explain na sa kanyang viral blooper sa ASAP: ‘Hindi kasi kami nasabihan agad na kami na ang susunod na prod’

Ervin Santiago |May 11,2023
facebook
share this

Angeline nag-explain na sa kanyang viral blooper sa ASAP: ‘Hindi kasi kami nasabihan agad na kami na ang susunod na prod’

Ervin Santiago - May 11, 2023 - 03:03 PM

NAGPALIWANAG na ang Queen of Teleserye Theme Songs na si Angeline Quinto tungkol sa kanyang viral video na kuha sa “ASAP Natin To.”

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang nakakalokang “napadaan lang” moment ng biriterang singer habang nagpe-perform on stage sina Klarisse de Guzman at Jed Madela last Sunday.

Mapapanood sa naturang video si Angeline na naglakad sa likuran nina Klarisse at Jed na parang namamasyal lang sa mall at tila walang pakialam sa nagaganap na production number.

Sandamakmak na reaksyon ang nabasa namin sa Instagram page ni Angeline kung saan mismong siya pa ang nag-post ng kanyang “ASAP” blooper.

Sey ni Angge sa caption, “Ganyan talaga pag live anu po? Yung tawa ko mag isa sa backstage di ko na alam saan ako pupunta.”

Baka Bet Mo: Angeline Quinto umaming nawalan nang gana sa pagkanta: Noong mamaalam ang Mama, ayoko na

“Patuloy ang paglakad este PANGARAP pala,” ang pahabol pang hirit ng Kapamilya actress-singer.

Comment ni Klarisse, “Parang nanalamin lang sa mall.”

Sey naman ni Erik Santos, “Tawang-tawa pa rin ako.”

Isang netizen naman ang diretsahang nagtanong kay Angeline kung ano ba talaga ang nangyari at bigla siyang na-wow mali sa naturang production number.

“Hindi kasi kami nasabihan agad na kami na ang susunod na prod. Pag-akyat ko ng stage narinig ko intro na ng kanta ni Kuya Jed, ayun umexit ako ulit,” ang paliwanag ng singer.

Sabi pa ni Angge sa isang netizen na nagtanong din sa kanya tungkol sa nakakalokang insidente, “Hindi kasi kami na-advise na kami ang susunod na prod. Kaya ayun.”

Pero in fairness, maraming pinatawa at pinasaya ang viral blooper ni Angeline dahil sa good vibes na hatid nito.

Related Chika:

Vice Ganda nag-sideline bilang P.A. kay Regine, tinilian si Robi: Hindi pwedeng basta-basta yumayakap sa artista ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mike Enriquez nag-viral matapos tawagin si Sharon Cuneta na Helen Gamboa; netizens tawang-tawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending