Angeline Quinto binigyan ng warning ang fans laban sa mga online scammers; Lucas Garcia hugot na hugot sa lovelife
BINIGYANG babala ng Kapamilya singer at aktres na si Angeline Quinto ang kanyang mga tagasuporta at social media followers laban sa mga online scammers.
Nakarating kasi kay Angeline na may mga taong gumagawa ng mga socmed accounts gamit ang kanyang pangalan at mga litrato.
Wagas na wagas daw ang ginagawang pagpapanggap ng kanyang mga posers sa socmed para makapambiktima at makapanloko ng mga inosenteng tao.
View this post on Instagram
Paglilinaw ni Angeline sa kanyang mga socmed followers, wala siyang ibang mga accounts tulad ng mga nababasa niya sa comment ng kanyang YouTube vlogs.
“Gusto ko lang linawin na isa lamang po ang aking YouTube channel (Love Angeline Quinto) at WALA po kaming ginagamit na ibang social media platforms tulad ng Telegram para mag-contact ng mga ka-Twinkle,” ang warning ng Kapamilya star sa kanyang YouTube subscribers.
Paalala pa niya sa publiko, doblehin ang pag-iingat ngayon dahil sandamakmak na ang mga nambubudol online na karamihan ay nanghihingi ng pera at personal details ng mga netizens.
“Maging maingat sa pagre-reply sa mga comments at messages na maaaring maging scam o galing sa mga phishing account. Keep safe, everyone,” mensahe pa ni Angeline sa kanyang mga supporters.
* * *
Ibinahagi ng “Idol Philippines Season 1” second runner-up na si Lucas Garcia ang kanyang personal na karanasan sa pag-ibig sa heartbreaking single na “Kapatawaran.”
Baka Bet Mo: Rayver, Kylie, Jak nagbigay ng love advice sa isa’t isa; kissing scene ni Jon Lucas sa MTV ikinagulat ni misis
“This song is about letting go of someone not because he or she did you wrong, but because you are simply not ready. It’s like having the right love at the wrong time. It is filled with sadness and sorrow,” saad ni Lucas.
View this post on Instagram
Aniya, ibinuhos niya ang sakit ng kanyang damdamin sa “Kapatawaran” pagkatapos niyang mahiwalay sa kanyang ex-partner. “Kwento ito kung paano kami naghiwalay ng ex-partner ko.”
Si Star Pop label head Rox Santos naman ang nagprodyus ng bagong awitin.
Pagkatapos ng kanyang “Idol PH” journey, naging bahagi si Lucas ng vocal trio na “iDolls” kasam sina Matty Juniosa at Enzo Almario.
Huling napanood ang trio sa ikatlong season ng “Your Face Sounds Familiar” kung saan nasungkit nila ang ikaapat na pwesto. Bilang solo artist, inilabas na rin ni Lucas ang iba’t ibang awitin tulad ng “Pinaasa,” “Tinatapos Ko Na,” at “San Na Ba.”
Damhin ang mensahe ng “Kapatawaran” na napapakinggan sa iba’t ibang digital platforms at panoorin ang visualizer nito sa YouTube.
5 veteran actress nasa ‘Living Legends’ commemorative stamp na ng PHLPost
Jon Lucas umamin sa asawa: Ikaw lang ang pinakamaganda sa paningin ko, kaso may kaagaw ka na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.