Jon Lucas umamin sa asawa: Ikaw lang ang pinakamaganda sa paningin ko, kaso may kaagaw ka na | Bandera

Jon Lucas umamin sa asawa: Ikaw lang ang pinakamaganda sa paningin ko, kaso may kaagaw ka na

Ervin Santiago |February 24,2022
facebook
share this

Jon Lucas umamin sa asawa: Ikaw lang ang pinakamaganda sa paningin ko, kaso may kaagaw ka na

Ervin Santiago - February 24, 2022 - 09:35 AM

Jon Lucas, Shy Feras, Brycen at Baby Bria

IBINANDERA sa publiko ng Kapuso actor at dating member ng grupong Hashtags na si Jon Lucas na isinilang na ang ikalawa niyang baby.

Excited na ibinalita ni Jon sa kanyang social media followers na may kapatid na ang panganay na anak nila ni Shy Feras na si Brycen.

Sa kanyang Instagram account, ipinakilala ng aktor at dancer ang second baby girl nilang si Brionna Christine, na ipinanganak last Monday, Feb. 21.

Narito ang kalakip na mensahe ni Jon sa super cute na photo ng ikalawang anak, “The Princess has arrived! Meet my daughter Brionna Christine Lucas, but you can call her ‘BRIA’. Feb 21, 2022 siya pinanganak.

“Ngayon ko lang siya i-popost kasi balak ko talaga noon 2/22/2022, pero hindi na kaya kasi need na talaga niya lumabas para makilala tayo,” pahayag ng celebrity daddy.

View this post on Instagram

A post shared by Jon Lucas (@lucas_aljhon)


Patuloy pa niya, “Unang una nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos kasi naging maayos ang lahat, dininig niyang muli ang gabi-gabi naming pagtawag sa Kanya.”

Kuwento pa ng Kapuso hunk medyo may kaunting lungkot lang siyang naramdaman dahil hindi niya personal na nasamahan ang asawa sa pagle-labor nito.

“Wala man ako sa tabi nila ng mommy niya, gawa ng sitwasyon natin ngayon sa trabaho, alam ko talaga wala akong dapat na ipag-alala kasi buong puso akong nananalig sa tulong na ibibigay sa amin ng Diyos,” sey pa ni Jon.

Abot-langit din ang pasalamat at papuri niya sa kanyang misis na talagang ginawa ang lahat para maging malusog at ligtas si Baby Brionna.

“Siyempre sa mommy niya! I love you! You’re the best! Napakatapang mo lagi, para sa amin na mga mahal mo. 

“Saludo ako sa ‘yo, at hanggang ngayon ay ipinagpapasalamat ko pa rin sa Diyos na ikaw ang nanay ng mga anak ko. 

“Ikaw lang pinakamaganda sa paningin ko. Kaso nga ito may kaagaw ka na. Napakaganda rin kasi. Hehe. I love you both!” mensahe ni Jon kay misis.

Ikinasal sina Jon at Shy noong 2017. Bago maging Kapuso ang aktor, una siyang nakilala bilang member ng all-male group na Hashtags na nagsimulang mapanood sa “It’s Showtime” noong November, 2015.

Isa sa mga proyektong nagawa ni Jon sa GMA na talagang nagmarka ang kanyang karakter bilang kasamahang sundalo ni Dingdong Dantes ay ang Pinoy version ng hit K-drama series na “Descendants of The Sun”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood si Jon ngayon sa GMA Telebabad series na “First Lady” na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Zaijian Jaranilla loyal sa Kapamilya network: Hindi po ako lilipat

Jelai na-depress dahil sa pag-ibig: Nakarating ako ng ospital, butas short ko!

Jelai Andres kumonsulta sa ‘healer’ para isalba ang relasyon kay King Badger: Pero parang nabudol ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending