Idol PH finalist Lucas Garcia umamin: Beking jologs ako! | Bandera

Idol PH finalist Lucas Garcia umamin: Beking jologs ako!

Alex Brosas - October 29, 2019 - 12:07 AM

ZEPHANIE DIMARANAN, LUIS MANZANO, LUCAS GARCIA AT LANCE BUSA

Nagpakitang gilas ang tatlong Philippine Idols na sina Lucas Garcia, Enzo Almario and Matty Juniosa sa Gandang Gabi, Vice last Sunday.

Sa opening pa lang ng show ay ang taas na ng energy nila as they sang “One Night Only.”
Vice Ganda asked them kung ano ang levelling ng kanilang pagkabeki.

“Wala naman pong levelling. Iba’t ibang klase lang po kasi. Ako ‘yung jologs, siya ‘yung semi-jologs (Enzo) and siya ‘yung sosyal (Matty)” say ni Lucas.

Vice asked the three kung ano ang itatawag sa kanilang grupo, “Idolls,” say ni Lucas. Maraming napag-diskusyunan pero ‘yun nga, Idolls,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Vice na maraming nagkakagustong babae sa kanila, “Dati takot akong mag-out. ‘Pag sumali ako sa Idol Philippines ay takot akong mag-out kasi baka hindi ako ma-appreciate ng babae. Dati hindi ko naman ini-expect ‘yun, akala ko sa straight na lalaki lang ako bumebenta. Pero natutuwa ako dahil naa-appreciate nila ako,” say ni Lucas.

“Actually, natatandaan ko nu’ng college kasi out na ako sa school namin pero kapag may mga first year ay naglalalaki-lalakihan ako kapag kumakanta,” chika ni Enzo.

“Bata pa lang ako sa school ay out ako pero kapag sa bahay, hindi. Siyempre nahihiya ako,” say ni Matty.

Nagpa-sample ang tatlo when they sang individually. Si Enzo kinanta ang “Titanium”, si Matty naman ay Regine Velasquez hit na “Narito Ako” at si Lucas naman ay Lani Misalucha song na “Tila” ang kinanta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending