5 veteran actress nasa ‘Living Legends’ commemorative stamp na ng PHLPost
‘Living Legends’ commemorative stamps
BINIGYANG parangal ng Philippine Postal Corporation ang ilan sa mga natatanging alagad ng sining sa pamamagitan ng mga commemorative stamp.
Kabilang sa mga kinilala ng Philpost ay ay mga award-winning veteran actress na sina Susan Roces, Gloria Romero, Rosa Rosal, Nora Aunor at Vilma Santos at ang anim pang natatanging Filipino achievers.
Sila ang nakalagay sa latest commemorative stamps ng PHLPost na tinawag na “Outstanding Filipinos Series 1: Living Legends” na isinabay sa 75th year ng paglalabas ng kauna-unahang stamp sa bansa.
Sa panayam ng ABS-CBN kay Susan, itinuturing daw niyang isa sa biggest achievements niya sa showbiz industry ang mailagay ang kanyang mukha sa mga inilabas na commemorative stamps.
“Isang malaking karangalan ang mapabilang sa Living Legend Series ng Outstanding Filipinos ng PHLPost.
“Maraming salamat sa pagkilala sa aking pitong dekada ng pagbibigay ng aliw at saya sa sambayanang Pilipino sa telebisyon at pelikula,” aniya pa.
Sabi naman ni Ate Vi, “Isa ito sa pinakaprestihiyoso at importanteng achievement ko. I am greatly honored na malagay sa stamps, parang ginawa ka nang imortal!”
Isang “big blessing” naman kung ituring ni Ate Guy ang bagong milestone na ito sa kanyang career, “Alam ko po na masusi ninyo po itong pinag-aralan, sinaliksik, at dumaan po ito sa isang mabigat na proseso.
“Napakalaki po nitong blessing. Labis ko po itong pahahalagahan gaya ng ginawa po ninyong pagpapahalaga sa akin,” sabi pa ng nag-iisang Superstar.
Nag-issue naman ng statement ang anak ni Gloria Romero na si Maritess Gutierrez tungkol sa parangal na natanggap ng ina, “She is truly thankful. Hindi lang siya makapaniwala! She told me, ‘Akalain n’yo nasa stamp na ako!'”
Ayon naman sa anak ni Rosa Rosal na si Toni Rose Gayda, “Malaking karangalan ito para sa kanya at aming pamilya.”
“Natutuwa ako dahil when she does something, all out siya for anything, may bayad o wala. It’s an honor for us dahil hindi siya nakakalimutan at naa-appreciate pa rin ang kanyang kontribusyon sa sining at sa ating bayan,” sabi pa ng dating TV host.
Ang iba pang napasama sa listahan ng “Outstanding Filipinos Series 1: Living Legends” ay ang bowler na si Olivia “Bong” Coo; ang mga scientists na sina Dr. Ernesto Domingo at Dr. Baldomero Olivera; basketball player Ramon “El Presidente” Fernandez; at ang painter na si Romulo Galicano.
https://bandera.inquirer.net/281001/opm-legend-claire-dela-fuente-pumanaw-na-sa-edad-62
https://bandera.inquirer.net/293362/pinoy-champs-sa-tokyo-olympics-kinilala-sa-commemorative-stamps-ng-phlpost
https://bandera.inquirer.net/289768/kris-nanahimik-dahil-may-pasabog-sa-pagbabalik-kaya-kong-magpaligaya-ng-tao-most-especially-now
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.