Rayver, Kylie, Jak nagbigay ng love advice sa isa't isa; kissing scene ni Jon Lucas sa MTV ikinagulat ni misis | Bandera

Rayver, Kylie, Jak nagbigay ng love advice sa isa’t isa; kissing scene ni Jon Lucas sa MTV ikinagulat ni misis

Ervin Santiago |June 13,2022
facebook
share this

Rayver, Kylie, Jak nagbigay ng love advice sa isa’t isa; kissing scene ni Jon Lucas sa MTV ikinagulat ni misis

Ervin Santiago - June 13, 2022 - 11:29 AM

Rayver Cruz, Kylie Padilla at Jak Roberto

NA-SHOCK pala ang misis ng Kapuso actor at dancer na si Jon Lucas nang makita ang kauna-unahan niyang kissing scene para sa isang music video.

Naikuwento ng aktor ang tungkol dito nang mag-guest siya kamakailan sa morning program ng GMA 7 na “Mars Pa More.”

Ayon kay Jon, sa mga nagawa niyang acting projects in the past, never pa siyang nagkaroon ng intimate o sexy scenes.

Kaya naman nang malaman ng kanyang asawa na pumayag siyang makipaghalikan sa babaeng nakasama niya para sa isang MTV ay nagulat daw ito nang bonggang-bongga.

“Medyo nanibago lang naman si misis  Kumbaga nagulat, siyempre hindi naman siya sanay na ganun,” anang aktor.

“Sabi niya, ”Hala ba’t ka pumayag sa ganun,?’ Sabi ko, ‘Mommy, wala na akong magagawa gusto ko ‘to,’ Hindi joke lang!” natatawang biro ng Kapuso actor at dating member ng Hashtags.

Patuloy pa niyang kuwento, “Sabi ko kailangan talaga sa music video. Ito talaga yung hinihingi ng director, ng producer.”

In fairness, bago pa raw ni-release at ipinalabas sa TV at YouTube ang ginawa niyang MTV, humingi raw muna si Jon ng raw video at ito ang ipinakita sa asawa.

“Sa kanya ko muna pinanood. Doon ko na rin inexplain, doon na rin niya naintindhan. Lumabas yung music video na okay naman lahat,” aniya pa.

* * *

Hataw kung hataw sa ratings game ang Kapuso primetime series na “Bolera” na pinagbibidahan nina Kylie Padilla, Rayver Cruz at Jak Roberto.

Gabi-gabing inaabangan ng manonood ang kuwento ng sports drama series ng GMA kaya naman pataas nang pataas ang nakukuha nitong rating.

Siyempre, ang isa sa inaabangan ng viewers sa serye ay ang love triangle ng tatlong bida na siyang naghahatid ng kilig at good vibes sa mga manonood.

Sa isang panayam, nagbigay ng love advice sina Kylie, Rayver, at Jak para sa isa’t isa.

Sey ni Rayver, “Ang lagi ko lang naman sinasabi kay Ky (Kylie) na huwag niya lang mamadaliin. I’m sure darating ‘yung karapat-dapat para sa kaniya, sa love life niya. Kasi mabuting tao at napakabait ni Ky.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)


Nakikita naman daw ni Kylie na super happy si Jak sa kanyang buhay pag-ibig at ang pagiging mapagmahal at responsableng boyfriend kay Barbie Forteza.

“Parang okay na si Jak, masaya nga ‘yan ‘e. Keep doing what you’re doing. Support kita riyan kasi naging responsible ka,” ani Kylie kay Jak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito naman ang sey ni Jak kay Rayver, “Si Rayver ginagawa niya na ‘yung tama. Bilib ako riyan kay Rayver, talagang buo ang loob. Bro, basta ituloy natin ‘yung double date natin.”

Jon Lucas umamin sa asawa: Ikaw lang ang pinakamaganda sa paningin ko, kaso may kaagaw ka na

Jelai Andres binatikos ng netizens sa pagkamatay ng lola; Jon to the rescue

Zaijian Jaranilla loyal sa Kapamilya network: Hindi po ako lilipat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending