Mike Enriquez nag-viral matapos tawagin si Sharon Cuneta na Helen Gamboa; netizens tawang-tawa | Bandera

Mike Enriquez nag-viral matapos tawagin si Sharon Cuneta na Helen Gamboa; netizens tawang-tawa

Ervin Santiago |May 10,2022
facebook
share this

Mike Enriquez nag-viral matapos tawagin si Sharon Cuneta na Helen Gamboa; netizens tawang-tawa

Ervin Santiago - May 10, 2022 - 07:20 AM

Mike Enriquez

PINAGPIYESTAHAN ng mga netizens ang panibagong blooper ng veteran Kapuso news anchor na si Mike Enriquez habang ginaganap ang Presidential Elections kahapon sa buong bansa.

In fairness, naging pampa-good vibes sa social media ang pagkakamali ng broadcast journalist nang mag-report tungkol sa mga updates sa #Eleksyon2022 coverage ng GMA 7.

Sa ipinalalabas nilang video, makikita ang vice presidential candidate na si Sen. Kiko Pangilinan na nakapila sa isang voting precinct sa Silang, Cavite.

Kasama ng senador ang misis niyang si Megastar Sharon Cuneta na dumating sa presinto na matiyaga ring naghintay sa pila hanggang sa makaboto silang mag-asawa.

Makikita sa nasabing video si Kiko na may binabasa sa kanyang cellphone habang nasa likod lamang niya si Sharon at nagmamasid-masid.

At habang nagre-report nga si Mike napagkamalan niyang si Helen Gamboa si Sharon. Si Helen ay tiyahin ni Mega at asawa ni Sen. Tito Sotto na kumakandidato ring vice-president ngayong 2022 elections.

Pahayag ni Mike, “Mga Kapuso, inyo pong napapanood ay ang pagboto ni Senador Francis Pangilinan, na isa sa mga kandidato para sa pagkabise-presidente ng Pilipinas.

“Tulad po ng naiulat namin kanina, kasama niya pong dumating diyan sa presintong iyan ay ang kanyang maybahay na si Miss Helen Gamboa,” ang sabi pa ng news anchor.

Mabilis naman itong kumalat sa social media matapos magawan ng TikTok video ng isang netizen at ni-repost ng isang Christian Casinto.

Sabi ng nasabing TikTok user, “Sir Mike, Sharon Cuneta po hindi Helen Gamboa (laughing emoji).”

May isa namang nagkomento na bago ang nabanggit na blooper, sa halip daw na Eleksyon 2022, ang nasabi raw ni Mike ay “Eleksyon 2002”.

Maraming netizens ang naaliw at natawa sa naging sablay ni Mike. Anila, sanay na sila sa mga bloopers ng Kapuso news anchor pero hindi naman daw nababawasan ang respeto at paghanga nila rito.

Ilang Kapuso viewers naman ang nagtanggol sa news anchor at nagsabing baka raw na-confuse lang si Mike dahil bago ang kanyang report ay may ibinalita si Mel Tiangco tungkol sa pagboto nina Sen. Tito at ng misis nitong si Helen.

Meron ding nagpayo kay Mike na mag-retire na sa pagbabalita at mag-enjoy na lamang sa kanyang buhay. Napapansin daw kasi nila na madalas na itong sumasablay sa pagbabasa ng balita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kababalik lamang ni Mike sa trabaho matapos ang kanyang medical leave. Sumailalim kasi siya sa kidney transplant na naging matagumpay naman.

Mike Enriquez successful ang kidney transplant, balik trabaho na

Tito Sen binalikan ang araw nang itanan si Helen Gamboa; may tips para sa matatag na married life

Kim sumablay sa Bible verse, ninega ng bashers: Nakakabastos naman…

Mike Enriquez awang-awa sa mga mahihirap na nagda-dialysis dahil sa sakit sa bato: It breaks my heart

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending