Angeline Quinto umaming nawalan nang gana sa pagkanta: Noong mamaalam ang Mama, ayoko na | Bandera

Angeline Quinto umaming nawalan nang gana sa pagkanta: Noong mamaalam ang Mama, ayoko na

Pauline del Rosario |April 10,2023
facebook
share this

Angeline Quinto umaming nawalan nang gana sa pagkanta: Noong mamaalam ang Mama, ayoko na

Pauline del Rosario - April 10, 2023 - 04:03 PM

Angeline Quinto umaming nawalan nang gana sa pagkanta: Noong mamaalam ang Mama, ayoko na

NAG-OPEN up ang singer na si Angeline Quinto patungkol sa kanyang pagluluksa matapos pumanaw ang kanyang adoptive mother na si Sylvia o Mama Bob.

Kung maaalala, namatay ang ina ni Angeline noong November 2020.

Sa YouTube interview ng singer-actress na si Toni Gonzaga nitong April 8, binalikan ni Angeline kung ano ang kanyang naramdaman at pinagdaanan, lalo na’t ipinagbubuntis pa niya ang kanyang anak na si Sylvio.

Sey ni Toni sa singer, “Naalala ko na grabe ‘yung grieving process mo kay Mama Bob kasi [11 months ‘yun since her death], at hindi ka pa strong. Nagli-linger pa ‘yung pain tapos buntis ka pa. Edi iyak ka nang iyak lagi.”

Sagot naman ng singer sa kanya, “Noong nalaman kong buntis ako, nandoon pa ako sa [bahay ni Mama Bob]. Pero after mga ilang months, lumipat na ako ng ibang bahay. Alam kong sinabi ko kay Mama, hindi ko kaya kasi gusto ko kapag nanganak ako, gusto ko ng bagong simula.”

Inamin din ni Angeline na bilang nakatira pa siya noon sa bahay ng kanyang adoptive mother habang siya’y buntis ay emotionally siyang naaapektuhan.

“Noong buntis ako, hindi ako makapagtrabaho so lagi akong nasa bahay. Diba, ang lungkot? Iyak lang ako nang iyak. Minsan, gigising na lang ako nang madaling araw tapos iyak ako nang iyak,” sambit ng singer.

Related Chika: Angeline Quinto binigyan ng warning ang fans laban sa mga online scammers; Lucas Garcia hugot na hugot sa lovelife

Napaiyak pa nga si Angeline at sinabing muntikan na niyang iwan ang kanyang showbiz career.

“Noong nawala ang Mama, ayoko na. Ayoko nang gawin ang lahat, ultimo ang pagkanta ko. Parang nawala na ‘yung laging papalakpak para sa akin. Kaya ngayon, kapag kumakanta ako, gusto ko laging may isang upuan para [maramdaman] ko na lagi siyang nandyan,” kwento niya.

Ayon kay Angeline, nakatulong ang kanyang pagiging first time mom upang makapag-move on at muling maituwid ang kanyang prayoridad sa buhay.

“Dati, noong tapos na ako sa trabaho, gagala na ako kasama ng mga kaibigan ko. Ngayon, alam kong meron nang naghihintay sa akin at naiintindihan [‘yun ng mga kaibigan ko.] Mas gusto ko nang umuuwi agad kay Sylvio,” sambit niya kay Toni.

Matatandaang noong February 2022 nang kumpirmahin ni Angeline ang kanyang pagdadalang-tao.

September 2022 naman nang i-anunsyo ng singer ang kanyang engagement sa non-showbiz boyfriend na si Nonrev Daquina.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angeline pinatunayang hindi tomboy: Naging dyowa ko nga raw po si KC Concepcion!

Bakit nagdesisyon si Angeline na iwan na ang dream house nila ni Mama Bob?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending