Bakit nagdesisyon si Angeline na iwan na ang dream house nila ni Mama Bob? | Bandera

Bakit nagdesisyon si Angeline na iwan na ang dream house nila ni Mama Bob?

Ervin Santiago |February 17,2022
facebook
share this

Bakit nagdesisyon si Angeline na iwan na ang dream house nila ni Mama Bob?

Ervin Santiago - February 17, 2022 - 07:42 AM

Angeline Quinto

TULUYAN nang iniwan ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto ang “dream house” nila ng kanyang yumaong ina na si Mama Bob.

Nagdesisyon ang nagdadalang-taong OPM artist at Queen of Teleserye Themesong na lumipat na lang sa mas maliit na bahay habang naghihintay ng paglabas ng kanyang baby.

Pero bakit nga ba naisipan ni Angeline na lisanin ang kanyang dream house? Sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay” nagpaliwanag ang future mommy tungkol dito. 

“Sa totoo lang, ako honestly talagang nalulungkot ako na umalis doon sa naging dream house namin ni Mama Bob. Kasi after ko na nagkaroon ng trabaho sa ABS-CBN na regular na nanalo ng ‘Star Power’ ‘yun ang kauna-unahang bahay na nairegalo ko kay Mama. 

“So ngayon nu’ng nawala ang mama ko, siyempre parang ang hirap-hirap po na everyday na gigising ka roon sa bahay na nakikita mo sa bawat sulok ng bahay ‘yung memories namin together. So nahihirapan po ako,” pahayag ni Angeline.

Sabi ng biriterang singer, napakahirap para sa kanya na iwanan ang bahay na isa sa mga biggest achievements niya sa buhay.

“Matagal ito. Kumbaga hindi siya parang isang gabi lang na desisyon sa akin na lilipat na ako. Hindi ganoon. Ang daming pinagdaanan, pinagdasal, kinausap ko ang Mama. 

“Tapos parang sabi ko sa sarili ko mas gusto ko na mas simpleng buhay pero alam mo ‘yung masaya ako. Kasi sa bahay namin dati na medyo malaki, hindi kami masyado nagkikita-kita ng mga kasama ko.

View this post on Instagram

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


“May mga kuwarto po na hindi nagagamit, doon ako nalulungkot, lalo na ‘yung kuwarto ng mama ko. Tapos sabi ko parang nahihirapan ako sa ganito. 

“So sabi ko, ‘Ma, ituro mo sa akin ang gagawin ko. Kung kinakailangan ko itong gawin, ibigay mo na sa akin,” paliwanag pa niya.

“So, may mga tao na talagang ginamit si Lord, natuloy siya. Siyempre malungkot para sa akin ang daming memories namin ni Mama Bob doon. 

“Pero nang nabuntis ako parang ‘yon na rin ang naging sign sa akin na ah bagong buhay, bagong yugto ng buhay ko, bagong panimula at binigyan pa ako ng dahilan na magpatuloy, ginawa ko po,” sey pa ni Angeline na naka-schedule nang manganak ngayong darating na April.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Last December lang ibinandera ni Angeline ang tungkol sa kanyang pagbubuntis courtesy of her non-showbiz boyfriend.

Angeline hindi pa rin natutupad hanggang ngayon ang isang pangarap ni Mama Bob

Angeline ‘sinagot’ ng Diyos habang nasa ospital si Mama Bob

Angeline pinatunayang hindi tomboy: Naging dyowa ko nga raw po si KC Concepcion!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending