Hugot ni Claudine tungkol sa taong 'sinungaling', 'ipokrita' para nga kaya kay Julia? | Bandera

Hugot ni Claudine tungkol sa taong ‘sinungaling’, ‘ipokrita’ para nga kaya kay Julia?

Ervin Santiago |March 12,2021
facebook
share this

Hugot ni Claudine tungkol sa taong ‘sinungaling’, ‘ipokrita’ para nga kaya kay Julia?

Ervin Santiago - March 12, 2021 - 10:21 AM
PARA nga kaya sa controversial young actress na si Julia Barretto ang cryptic post ni Claudine Barretto patungkol sa isang taong “ipokritang sinungaling”?

Yan ang nagkakaisang tanong ng mga nakabasa sa Instagram post ng aktres kamakalawa sa gitna ng kinasasangkutang issue ngayon ng pamangkin niyang si Julia.

Mababasa sa IG account ng estranged wife ni Raymart Santiago nitong March 10 ang mga katagang, “I would rather be known in life as an honest sinner, than a lying hypocrite.”

Natayming naman ang hugot na ito ni Claudine sa pag-amin nina Julia at Gerald Anderson tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon na siyang dahilan kung bakit inuulan sila ng kaliwa’t kanang batikos mula sa mga netizens.

Wala mang binanggit na pangalan si Claudine sa kanyang ipinost pero karamihan sa mga nag-comment ay naniniwalang para ito kay Julia na binabatikos ngayon dahil umano sa pagsisinungaling tungkol sa kanila ni Gerald.

Pagkatapos kasi ng matinding pagdedenay noon na may relasyon sila ni Gerald at hindi niya raw inagaw ang binata kay Bea Alonzo, heto’t lumantad na nga sila at ibinandera na sa buong universe ang kanilang pagmamahalan.

Tulad nga ng sinabi ni Julia, kulang na lang ay ipako na siya sa krus ng mga tao dahil sa matinding galit sa kanya pero nanindigan siya na wala silang ginagawang masama ni Gerald at totoong nagmamahalan sila.

Kung matatandaan, noong kasagsagan ng issue tungkol sa paghihiwalay nina Gerald at Bea at si Julia ang itinuturong third party, kumampi sina Claudine at Gretchen Barretto kay Bea.

Nagpasalamat naman ang aktres sa magkapatid na Barretto sa pagsuporta sa kanya. Nakasama ng dalaga si Claudine sa seryeny “Ikaw Ang Lahat Sa Akin” noong 2005, habang nakatrabaho naman ni Bea si Greta sa “Magkaribal” noong 2010.

Hindi pa rin nagkakaayos sina Claudine, Gretchen (magkakampi) at ang nanay ni Julia na si Marjorie Barretto. Ilang taon na rin ang kanilang “family feud” na hindi na kinayang ayusin ng sarili nilang mga magulang.

Mas tumindi pa ang gulo sa pagitan ng magkakapatid nila nang mag-away-away sila sa burol noon ng kanilang ama sa mismong harapan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumakto nga sa pagdalaw niya nu’ng araw na yun sa lamay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At kahit nga naroon ang Presidente, talagang hindi pa rin nila napigilan ang maglabas ng galit laban sa isa’t isa. In fairness, humingi naman ng paumanhin ang pamilya Barretto kay PDuterte matapos ang iskandalo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending