Claudine sa milyones: Kukunin ko kung anong dapat sa 'kin

Claudine sa nawalang milyones: Kukunin ko na kung ano yung dapat sa ‘kin

Ervin Santiago |January 04,2024
facebook
share this

Claudine sa nawalang milyones: Kukunin ko na kung ano yung dapat sa ‘kin

Ervin Santiago - January 04, 2024 - 12:02 AM

Claudine sa nawalang milyones: Kukunin ko na kung ano yung dapat sa 'kin

Claudine Barretto

PASABOG ang mga rebelasyon ni Claudine Barretto tungkol sa umano’y milyun-milyong halaga ng pera na hinahabol niya ngayon sa dati niyang partner.

Talagang ipaglalaban na raw niya ngayon at babawiin ang lahat ng mga nawala sa kanya mula noong maghiwalay sila ng kanyang ex-dyowa.

Sa latest vlog ng TV host-actor na si Luis Manzano, ni-reveal ni Claudine na daan-daang milyong piso umano ang gusto niyang mabawi para sa kanyang mga anak.

“We’re talking about hundreds of millions na. Ang iniwan sa akin was 25,000 pesos. Sa isang bangko pa lang was, like, P116 million.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Margaret Barretto (@claubarretto)


“Isang bangko pa lang yun. And iniwan was P25,000. And I don’t know kung bakit kahit na or whatever, dapat sinasabihan ka ng bangko, di ba?

“Ang ibinalik lang niya sa akin nu’n, during that time, was P7 million. We were still together. Kasi nga, kukunin pa niya sa sino yung mga pinagtaguan niya nung perang yun.

“Kasi, ayoko siyang matulad sa parang na, you know, yung tatay ng mga anak ko magnanakaw. Ayoko, ayoko. Kaya hindi ko nilaban yung pera noon.

Baka Bet Mo: Claudine Barretto ‘greatest love’ si Rico Yan, wish matuloy ang project kasama si Gladys Reyes

“But now na lumalaki yung mga anak ko, ta’s kukunin mo yung bahay, yung bahay namin, du’n na, yun na yung sinabi ng lahat ng tao, ‘Okay. Magba-VAWC (Violence Against Women and Children) na tayo,'” ang pahayag ni Claudine.

“Kukunin ko na kung ano yung dapat sa akin. Maglabasan na tayo. Sige na,” sabi pa ng aktres. Ongoing na raw ang mga kasong ito sa korte.

Ang ipinaglalaban daw niya ay hindi na para sa kanya kundi para na lang sa kanyang mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Margaret Barretto (@claubarretto)


“Ngayon, since malaki na ang mga anak ko, Sabina wants to study abroad, Santino’s in Brent and alam naman natin kung gaano kamahal ‘yun.

“So, parang since hindi niya nabibigay ‘yung support na in-order ng court, hindi nasusunod, parang ‘yun ‘yung sinasabi ng mama na ‘ipaglaban mo,’” aniya pa.

Ang tinutukoy ni Claudine ay ang nanay ni Luis na si Vilma Santos na palaging nakasuporta sa kanya kapag meron siyang pinagdaraanan. Naging close ang dalawa nang magkasama sila sa pelikulang “Anak” noong 2000.

Pagpapatuloy ni Claudine, “Talagang sabi ko, ‘Ate Vi, pabalik ako.’ So, kung may mga court cases na naman, baka makaantala yun sa mga projects na darating.

Baka Bet Mo: Gretchen, Claudine maayos ang relasyon: You are the most beautiful to me, my love!

“Tapos sabi niya, ‘As long as you show them that you’re working hard, you’re professional, ipaglaban mo, Claudine. Ipaglaban mo yung pagiging nanay mo.

“’Ipaglaban mo,’ sabi niya. ‘Pumunta ka sa korte. Magdemanda ka,’ sabi niya. ‘Ipaglaban mo yung pagiging nanay mo. Ipaglaban mo yung pagiging asawa mo. Pagiging wife mo. Ipaglaban mo lahat yun. Kunin mo kung ano yung nawala sa yo,’” kuwento pa ng aktres.

“And your mom told me lang na, ‘Continue working, kasi nandiyan na. Nandiyan na yung mga trabaho mo. Pero ipaglaban mo. Kunin mo kung ano yung para sa yo,'” ang pagbabahagi pa ni Claudine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walang pangalang binanggit si Claudine sa panayam sa kanya ni Luis ngunit alam naman ng lahat kung sino ang kanyang tinutukoy. Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng kanyang dating partner sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending