Joross kumapit kay Lord nang masangkot sa video scandal: 'Hindi pala dapat nilalabanan ang tukso, dapat tinatakbuhan palayo' | Bandera

Joross kumapit kay Lord nang masangkot sa video scandal: ‘Hindi pala dapat nilalabanan ang tukso, dapat tinatakbuhan palayo’

Ervin Santiago |September 13,2023
facebook
share this

Joross kumapit kay Lord nang masangkot sa video scandal: ‘Hindi pala dapat nilalabanan ang tukso, dapat tinatakbuhan palayo’

Ervin Santiago - September 13, 2023 - 10:39 AM

Joross kumapit kay Lord nang masangkot sa video scandal: 'Hindi pala dapat nilalabanan ang tukso, dapat tinatakbuhan palayo'

Joross Gamboa

MAY isang life advice si Toni Gonzaga na hinding-hindi raw malilimutan ni Joross Gamboa noong kasagsagan ng kinasangkutan niyang mga kontrobersya ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Naging malaking isyu sa mundo ng showbiz ang kumalat na video scandal ng aktor noong January, 2016 na talaga namang pinagpiyestahan ng mga netizens.

Inamin naman ni Joross na siya nga ang lalaking nasa viral video at sinabing matagal nang nangyari yun, at aware raw ang asawa na niya ngayong si Katz Saga tungkol dito.

Muling napag-usapan ang mga pinagdaanang kontrobersiya ng aktor nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, September 11. Hindi na binanggit pa ni Tito Boy ang video scandal pero malinaw na isa ito sa mga nais tumbukin ng award-winning TV host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joross Gamboa (@joross_gamboa)


Kuwento ng aktor, kumalat ang video scandal noong nasa ibang bansa siya kasama si Katz.

Sabi ni Tito Boy bilib na bilib daw siya kay Joross dahil sa tapang nito na aminin ang kanyang nagawang pagkakamali, “It takes a lot of courage and bravery to own up things.”

Ayon naman kay Joross, tanging dasal na lang ang ginawa niya noong kasagsagan ng isyu at tanggapin na lamang ang mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya.

Tanong pa nito Tito Boy sa aktor, paano niya ngayon hinaharap kapag may mga  tukso, “Dati kasi nilalabanan ko yung temptasyon, pero hindi pala dapat ganoon. Dapat tinatakbuhan palayo.

Baka Bet Mo: Joross parehong kinumusta ang mga kaibigang sina Paolo at Ryan sa kasagsagan ng isyu ng ‘Eat Bulaga’: ‘Hindi ka basta-basta kakampi’

“Huwag ka nang pumunta sa situation kasi parang downhill lang yan. Nandito pa lang, tigilan mo na. Dahil kapag nandito na sa gitna, pababa, mahirap nang pigilin,” aniya pa.

Mas matatag na raw ngayon ang kanyang faith sa Panginoon kaya naniniwala siyang kaya na niyang i-handle ang anumang temptasyon.

“Meron lang talagang time na parang empty ka kahit anong gawin mo. Yung worldly things, hindi makukuntento yung puso mo.

“Ang nagbanggit sa akin nito, si Toni Gonzaga. Share ko lang na sabi niya sa akin, ‘What completes your heart?’

“Siyempre, iba-iba kami ng sagot, may family, health. Sabi niya, ‘Walang maling sagot. Pero ang masasabi ko lang, the only one that can complete your heart is the one who created it.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joross Gamboa (@joross_gamboa)


“So, yun ang tumatak sa akin. Buong buhay, tayong mga tao, we always strive for happiness. Naging happiness ang hinahabol natin, but happiness are based on happiness.

“Masaya ka healthy ka ngayon, masaya ka buhay ang nanay mo, may tatay ka. Pero paano kapag may sakit ka na? Namatay na yung kamag-anak mo?

“Ang kailangan natin, hindi happiness, joy. Joy is from within. Yung joy ay nakukuha natin sa Panginoon, which is hindi kayang baguhin ng circumstances and situations. So, kahit may pinagdadaanan ka, you still have that joy,” paliwanag pa niya.

Samantala, napapanood ngayon si Joross bilang scammer sa Kapuso afternoon series na “The Missing Husband” kasama sina Yasmien Kurdi at Rocco Nacino.

Kuwento ni Joross, na-scam na rin siya noon, “Lahat naman tayo, nai-scam sa iba’t ibang uri ng bagay. Meron din mga financial, yung panahon ng mga crypto. Mga time ng pandemic.

“Siyempre, paano tayo kikita, tapos may mga bagong papasok at minsan, nagte-take advantage ka ng paraan. Kapag too good to be true, kailangan may guidance ka. Kunwari, sa partner mo.

“Sa akin kasi, yung asawa ko, sinabi niya huwag kong gawin. Pero tinray lang namin, for the sake of gusto nating kumita,” aniya pa.

Kaya naman ang babala ng aktor sa lahat, huwag basta-basta maniniwala sa mga taong nangangako ng sobrang bilis na pagkita o yung mga too good to be true na pagkakakitaan.

Bakit tinawagan ni Joross si Arjo habang nasa kalagitnaan ng operasyon?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joross may 3 pelikulang gustong idirek, bagay na bagay daw kina Alessandra, Angel, Judy Ann at Bea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending