Sharon, Gabby binalak magkaroon ng 8 anak; sinagot ang tanong na, 'Mahal n'yo pa ba ang isa't isa?' | Bandera

Sharon, Gabby binalak magkaroon ng 8 anak; sinagot ang tanong na, ‘Mahal n’yo pa ba ang isa’t isa?’

Ervin Santiago |October 29,2023
facebook
share this

Sharon, Gabby binalak magkaroon ng 8 anak; sinagot ang tanong na, ‘Mahal n’yo pa ba ang isa’t isa?’

Ervin Santiago - October 29, 2023 - 02:30 PM

ISA sa mga bongga at nakakakilig na highlight ng “Dear Heart” concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ay ang interview portion with Regine Velasquez and Ogie Alcasid.

In fairness, halos lahat ng nanood sa naturang reunion project ng dating mag-asawa ay nagsabing sulit na sulit ang ibinayad at effort nila sa pagpunta sa SM MOA Arena last Friday, October 27.

Sa isa ngang segment ng show ay game na game na sumabak sa sit-down interview sina Sharon at Gabby with their couple friends Ogie and Regine.

Unang tanong ni Ogie sa mag-ex, “What was the best part of being married?”

Nakangiting sagot ni Gabby, “The best part: There was no dull moment. Everything was a thrill.

Baka Bet Mo: Sharon sa ‘pagbabalikan’ nila ni Gabby sa ‘Dear Heart’: ‘Matagal na ‘kong prepared! He’s still good-looking…’

“Yung pagiging father kay KC was the highlight of the most exciting moments of our life. We were both parenting at the time. And du’n nagbunga ang pagmamahalan namin kay KC,” sey ng aktor.

Sumang-ayon naman sa kanya si Sharon, “KC kasi…we planned to have how many children?” Na sinagot ni Gabby ng, “Mga walo.”

Sundot na biro ni Ogie, “Di bale, hindi pa naman natatapos ang panahon.” Na sinagot naman ng Megastar ng, “Huwag naman, nagme-menopause na ako. Hintayin na lang namin ang apo namin.”

Tanong naman ni Shawie kay Gabby, “Being married, aside from us having our daughter, what was the best part of it for you?”

Tugon ng aktor, Gabby”Yung magluluto ka tapos kakain ako.” Na sinegundahan ni Mega ng, “Naaalala ko: chicken curry arroz a la cubana.”

Dugtong ni Gabby, “May two eggs on top.”

Sey pa ni Sharon, “Wala pa akong nakilalang lalaking na kasing lambing ko kundi siya.”

Kilig na kilig naman si Regine sa sinabi ng kanyang kaibigan at pabirong inihagis ang gamit na upuan sa stage.

Patuloy ni Sharon, “Wala pa akong nakilala na…kasi malambing ako. Wala akong kapantay sa lambing kundi siya.”

Ang next question para sa ex-couple ay kung ano ang biggest regret nila sa kanilang naging relasyon noon? Sagot  ni Gabby, “Wala akong regret because lahat ng dumadating na pagsubok, e, we turned it around to our advantage.

“Ganyan talaga dapat ang buhay. We should not regret. If it happens to us, ayusin natin. Ayusin natin ha…para maging okay lahat,” ang sey ng Kapuso leading man sabay tingin kay Mega na tumango rin sa sinabi ng dating asawa.

At sa tanong na, “Mahal niyo pa ba ang isa’t isa?” Biglang tumayo si Gabby at tinuro ang monitor sa harap nila, “Paki-ano nga, hindi ko nabasa yun sa script ha.”

Sey ni Ogie then gave instructions, “Ganito na lang, para hindi kayo magsalita: Kung yes ang sagot niyo sa katanungan, tumayo kayo. Kung no, umupo kayo.”

Hirit ni Sharon, “Huwag naman ganu’n Iba-ibang levels of love.” Tumayo si Gabby sabay dialogue ng, “Ako nandito sa level na ito (nagmuwestra ng kanyang kamay na nasa itaas.”

Tawang-tawa naman si Mega sa joke ni Gabby at hinila paupo sa kanyang seat. Sey pa ng aktor nang makita sa audience si Coco Martin, “Nakakahiya naman kay Coco.”

Hirit naman ni Sharon, “May gagawin kami ni Coco, baka magulat kayo.”

After ng concert nila sa MOA Arena, magkakaroon naman ng “Dear Heart VIP Night” na magaganap bukas, October 30 sa Okada Manila Ballroom habang ang “InLife’s Dear Heart” sa Cebu ay mapapanood sa November 17 sa NUSTAR Convention Center.

Related Chika:

Maine binalikan ang mga bonggang blessing na natanggap noong 2022; Carla ‘simply grateful to be alive’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine trending dahil sa biniling motor; IG highlights kasama si James, deleted na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending