Nadine trending dahil sa biniling motor; IG highlights kasama si James, deleted na | Bandera

Nadine trending dahil sa biniling motor; IG highlights kasama si James, deleted na

Therese Arceo |September 29,2021
facebook
share this

Nadine trending dahil sa biniling motor; IG highlights kasama si James, deleted na

Therese Arceo - September 29, 2021 - 06:46 PM

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang aktres na si Nadine Lustre matapos ang recent pictures nito nang bumili ng mamahaling motor na nagkakahalaga ng halos kalahating milyon.

Mukhang talagang desidido na ang aktres na manatili nang matagal sa Siargao Island lalo na’t ang pangunahing transportasyon sa isla ay motor.

May ilang nagbansag pa sa dalga bilang “badass chick” dahil bukod sa ganda nito at pagiging talented ay maganda ang taste nito sa sasakyan. Patunay na nga rito ang pinakabagong biling motorsiklo.

Hindi lang naman ito ang dahilan kung bakit trending ang dalaga. Isa sa mga admin ng fan page ng JaDine ang nakapansin ng pagbabago sa Instagram account ng aktres.

Deleted na kasi ang IG highlights ni Nadine na may peach emoji kung saan naglalaman ng moments nila together ng ex-dyowang si James Reid.

Marami-rami sa madlang pipol ang brokenhearted dahil mukhang malabo mangbmangyari ang inaasahan nilang “comeback” ng dalawa.

Kahit kasi may mga napapabalitang kaya matagal nang namamalagi sa Siargao ang aktres dahil nandoon ang bago nitong dyowa ay marami pa ring naniniwalang supporters ng JaDine na magkakabalikan ang dalawa dahil nananatili ang kanilang mga pictures at videos together sa kanilang socmed accounts.

Ngunit ngayon ay tila pinatunayan ng dalaga na iba na ang tinitibok ng kaniyang puso matapos nitong tanggalin ang nasabing IG highlights.

“For those people na hindi ma-gets… The highlight consists of James and Nadine’s moments together,” saad ng isang admin ng JaDine fans na nakadiskubre na deleted na ang nasabing highlights.

Wala namang magagawa ang fans kung hindi suportahan kung saan magiging masaya ang aktres ngunit hindi maalis sa kanila na masaktan dahil ilang taon rin nilang nasubaybayan ang love story ng dalawa.

Isa pa naman ang JaDine sa may napakalaking fan base kaya siguradong napakarami ngayon ang malungkot sa kinahinatnan ng relasyon ng dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

January 2020 nang inamin nang dalawa ang kanilang paghihiwalay pero nanatiling in good terms ang dalawa kaya naman todo todo ang paniniwala ng solid JaDine fans na may feelings pa sila at kinakailangan lang talaga nila ng space para mag-grow individually.

Naging maingay rin ang balitang may bagong dyowa na si Nadine sa katauhan ni Christopher Bariou ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon ang aktres ukol dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending