Sharon, Gabby muling pinakilig ang mga Sharonians, nag-kiss sabay hug sa presscon ng kanilang 'Dear Heart' concert | Bandera

Sharon, Gabby muling pinakilig ang mga Sharonians, nag-kiss sabay hug sa presscon ng kanilang ‘Dear Heart’ concert

Ervin Santiago |September 17,2023
facebook
share this

Sharon, Gabby muling pinakilig ang mga Sharonians, nag-kiss sabay hug sa presscon ng kanilang ‘Dear Heart’ concert

Ervin Santiago - September 17, 2023 - 07:41 AM

Sharon, Gabby muling pinakilig ang mga Sharonians, nag-kiss sabay hug sa presscon ng kanilang 'Dear Heart' concert

Sharon Cuneta at Gabby Concepcion

IN FAIRNESS, nag-uumapaw pa rin ang hatid na kilig at good vibes ng ex-couple na si Megastar Sharon Cuneta at ang Ultimate Leading Man na si Gabby Concepcion.

Ramdam na ramdam namin ang excitement sa lahat ng dumalo sa presscon ng dating mag-asawa para sa pinakaaabangang reunion concert nila, ang “Dear Heart” na mapapanood na sa October 27 sa SM MOA Arena.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat ng nasa Glass Ballroom ng Okada Manila sa Parañaque City, last Friday, September 15, nang sa wakas ay magkita at magkasama na sina Sharon at Gabby sa isang stage.

Ang unang plano kasi ay sa mismong concert na magkikita ang dating mag-asawa at tinaguriang original Phenomenal Loveteam sa Philippine showbiz, para may element of surprise. Yun din kasi ang gusto ng mga producers ng concert.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero dahil nga sa pagmamahal nila sa members ng entertainment media ay nagdesisyon silang magkita na kahit sandali sa naganap na mediacon ng “Dear Heart.”

Una kasing humarap nang solo sa press si Gabby at pagkatapos ng question and answer segment at habang nagpapaalam na ang aktor ay biglang lumabas si Sharon at umakyat na rin sa stage.

“Sinasabi ko na nga ba, e!” ang nakangiting reaksiyon ni Gabby.

“Hello everybody!” ang pagbati naman ni Sharon sa lahat ng nasa presscon.

Inalalayan agad ni Gabby si Sharon sa pag-akyat sa stage sabay dialogue ng, “Uy! First time ko mahahawakan kamay niya, o! First time! First time!”

Baka Bet Mo: Gabby Concepcion knows kung bakit inunfollow ni KC sina Frankie at Kiko Pangilinan

Binigyan din ni Gabby ng bulaklak si Mega, at humirit uli ng, “Bago ang lahat, alam mo binili ko sa Quiapo ito kanina.”

Sabi ni Sharon habang napapatawa, “Thank you so much. Thank you sa ating producers.”

Humirit uli ng one-liner si Gabby kay Sharon, “Sabi ko sa kanila, pagkatapos ko dito, alis ako, para di tayo magkita. Puwede ba mag-hug bago tayo umalis?” Pumayag naman si Mega kaya hiyawan uli ang audience.

Bago tuluyang bumaba ng stage, muli niyang ipinakilala ang Megastar, “Ladies and gentlemen, on stage, I give to you, Sharon…Concepcion nu’ng araw ito, e.” Natawa naman si Sharon at kunwari’y  hahampasin ng bulaklak si Gabby.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Patuloy ni Gabby, “Sige, Sharon na lang! Maraming salamat po.” Lumingon uli siya kay Sharon at nagsabing, “I’ll see you in the concert.”

“I’ll see you in the concert,” sagot ni Mega sa kanya.

Pero hindi pa rin siya umalis sa venue at humirit pa siya kay Sharon ng, “Pa-kiss ulit!” Muling nagsigawan ang press at nag-request na rin ng “more” sa dating mag-asawa.

Sey pa ni Gabby, “One more…sa lips naman. Hindi, biro lang, biro lang po!”

Ayon kay Sharon, huli silang nagkita ni Gabby nang mag-guest sila 12th Gabay Guro grand gathering na ginanap sa MOA Arena noong September 12, 2019. Kinanta nila roon ang signature song nila noon na “Come What May.”

Matatandaang tatlong beses ikinasal sina Gabby at Sharon, una sa kanilang civil wedding noong June 23, 1984, sinundan ng ikalawang civil wedding noong September 10, 1984.

Ang ikatlo ay ang church wedding nila sa Manila Cathedral noong September 23, 1984. Biniyayaan sila ng isang anak – si KC Concepcion na 38 years old na ngayon.

Heart sa mga nagsasabing sad ang buhay niya: ‘Dear, mabigat lang ‘yung lashes ko…ano bang gusto n’yo umiyak ako ng dugo?!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon never nagsalita ng masama kay KC tungkol kay Gabby: ‘Naisip ko nga, dapat yata siniraan ko na lang’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending