Sharon never nagsalita ng masama kay KC tungkol kay Gabby: ‘Naisip ko nga, dapat yata siniraan ko na lang’
HANGGANG ngayon pala ay hindi pa rin nakakapag-usap nang masinsinan ang dating mag-asawa na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Pasabog ang mga rebelasyon ng Megastar tungkol sa relasyon niya sa panganay na anak na si KC Concepcion kung saan inamin niyang hindi sila palaging okay ng anak.
Magkaibang-magkaiba rin daw sila ng ugali ni KC ngunit sumusumpa siyang mahal na mahal niya ang kanyang panganay at handa siyang gawin ang lahat para maprotektahan ito sa kahit anong paraan.
Nag-share ng mga detalye si Shawie about her personal life sa YouTube vlog ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz at dito nga napag-usapan ang relasyon nila ni KC bilang mag-ina.
Natanong ang movie icon kung naiisip din ba niya bilang nanay na sana’y nakakapag-usap sila ni Gabby nang maayos at regular tungkol sa anak nilang si KC.
“Hindi ko nga makausap, eh. Kasi, last time kaming magkita before covid, okay kami. O, bakit hindi na naman kami okay? May nanira na naman ba? Litong-lito na ‘ko,” pag-amin ni Mega.
“Kahit nandiyan si Kiko (Pangilinan, asawa niya) anyway, he’s been there since she was 9 ha, eh kami ang dugo niya, hati kami sa dugo niya, kami ni Gabby. Minsan, gusto kong konsultahin o hingan ng tulong.
“O, pakita mo naman o sabihan. Baka ‘yung hindi niya masabi, hindi tuloy kami magkapag-communicate since maghiwalay kami noong 1987,” lahad pa ni Sharon.
Sa kabila nito, hinding-hindi raw naging isyu kay Mega kapag kasama ni KC si Gabby at ang pamilya ng aktor lalo na kapag mga espesyal na okasyon.
“Never naging isyu sa akin ‘yon. Never kong siniraan ang Tatay niya sa kanya. Naisip ko nga, dapat yata siniraan ko na lang.
“Pero hindi, ayoko kasing maka-feel ang anak ko na parang ‘yung kalahati ko, hindi okay, ‘di ba? No, alam ng Diyos ‘yan. Alam ng Panginoong Diyos ‘yan napakatapang kong gawin dahil takot ako, e.
“Takot ako sa parusa ng Diyos. Alam Niya ang puso ko. At kung may kasalanan ako, humihingi ako ng sorry,” aniya pa.
Nabanggit din ni Sharon na inakala ni KC na hindi niya mabibisita si Gabby. Question daw sa kanya ng anak kung pwede na niyang makita ang ama kapag kasal na siya.
Shookt daw si Mega sabay sabi kay KC na pwede naman niyang dalawin kung gusto nito, “Nagulat siya, eh, dyusko, kung sinabi niya when she was younger, anytime. Eh, Papa niya ‘yon.
“Noong nakausap ko sa phone si Gabby, pati mga kapatid niya, nagte-thank you sa akin dahil noong dumating si KC do’n, walang negativity, walang anomosity, walang hostility, walang ill feelings. That’s how I raised her.
“Basta, ang sinasabi ko lagi, that was never your fault. Sometimes two people just don’t get along but never confuse that with how much we love you,” paliwanag ni Ate Shawie.
Mensahe pa niya sa dalaga, “Isa lang ang nanay niya, pagbali-baligtarin pa. Isa lang din ang tatay niya, sa case niya, dalawa pa nga.”
Sa isang bahagi ng vlog ni Ogie, sinabi ng actress-singer at TV host na ang pinakamasakit na tsismis na narinig niya ay ayaw daw niyang sumikat si KC.
“Sakit na sakit ako doon. Kasi, sinong matinong magulang, lalo na kung artista ka na gugustuhin mo na anak pa ng ibang tao ang sumikat kesa sa sarili mo?
“Kung may papalit sa ‘yo, siyempre ‘yung anak mo ang gusto mo, ‘di ba?” aniya pa.
Dahil sa mga ganitong malilisyosong chika kaya naiisip daw ni Mega kung bakit medyo malayo sa kanya si KC, “That’s a total lie. Kung sino man ang naglagay no’n sa utak niya, patawarin ka ng Diyos.”
“Gusto kong maging successful si KC at ang lahat ng anak ko. At mas importante sa akin na happy sila,” aniya pa.
Related chika:
Mega hindi papayag na basta na lang mabura ang tambalang Sharon-Gabby sa showbiz
Gabby kay Sanya: Madaling mai-in love sa kanya ang kahit na sino dahil…
Sharon sinumbong si Maricel sa madlang pipol; game pa rin sa reunion movie nila ni Gabby
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.