Gabby kay Sanya: Madaling mai-in love sa kanya ang kahit na sino dahil... | Bandera

Gabby kay Sanya: Madaling mai-in love sa kanya ang kahit na sino dahil…

Ervin Santiago |March 10,2021
facebook
share this

Gabby kay Sanya: Madaling mai-in love sa kanya ang kahit na sino dahil…

Ervin Santiago - March 10, 2021 - 11:31 AM

MABILIS nagkaroon ng “koneksyon” ang tambalang Gabby Concepcion at Sanya Lopez na bibida na nga sa upcoming primetime series ng GMA na “First Yaya.”

Kahit first time pa lang silang magsasama sa isang proyekto, naging palagay na agad ang loob nila sa isa’t isa kaya naman natural na natural ang mga kiligan moments nila sa serye.

Sa naganap na virtual mediacon ng “First Yaya”, nabanggit ni Sanya, na gaganap bilang si Yaya Melody, na hindi mahirap pakisamahan si Gabby kahit na itinuturing na itong showbiz icon.

“‘Hindi rin mahirap maka-connect sa kanya. Actually nu’ng una medyo kinakabahan pa ako, nahihiya pa ako pero siya ‘yung nag-approach agad sa ‘yo and then iba kung paano siya kasi sobrang malambing, gentleman,” pahayag ng aktres.

Aniya pa, talagang ipinagluluto pa sila ni Gabby noong nasa lock-in taping sila, “Sino ba naman ang hindi mahuhulog kapag ganoon ang kasama mo?

“Si Kuya Gabby, tatayo pa lang ‘yan very presidentiable na, tapos ang guwapo. So ‘yon lang ang isa sa mga characteristic na mga nakikita ko,” chika pa ni Sanya.

Diretso namang sinabi ng dating matinee idol na madaling mahalin si Sanya na aminado namang isang certified NBSB o no boyfriend since birth.

“Si Sanya kasi…madali ang ma-in love ang kahit na sino rito. Napakasimple niya kaya siguro siya pinili ng management. Ang bait niya, kalog siya, health conscious.

“Conscious siya sa mga tao na nasa paligid niya at ‘yung character na ginagawa niya parang siya ‘yun eh,” papuri ni Gabby sa kanyang leading lady.

Samantala, excited na si Sanya na mapanood ng Kapuso viewers sa buong mundo ang kanilang romantic comedy series na mapapanood na simula sa March 15 sa GMA Telebabad. Ito ang papalit sa magtatapos nang “Anak ni Waray vs Anak ni Biday.”

“Bago itong ‘First Yaya’ sa akin. Ang pagpasok sa romcom feeling ko ito talaga ‘yung nakaka-excite i-share sa kanila, na ‘guys marunong na ako mag-comedy.’ Dahil sa mga kasama ko at lalung-lalo na kay Direk LA (Madridejos) siyempre sobrang galing,” sey ni Sanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, “Gusto ko kung paano hinihimay ‘yung character ko rito ni Direk LA para lang maipasok sa akin si First Yaya si Yaya Melody.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending