Maine binalikan ang mga bonggang blessing na natanggap noong 2022; Carla 'simply grateful to be alive' | Bandera

Maine binalikan ang mga bonggang blessing na natanggap noong 2022; Carla ‘simply grateful to be alive’

Ervin Santiago |January 03,2023
facebook
share this

Maine binalikan ang mga bonggang blessing na natanggap noong 2022; Carla ‘simply grateful to be alive’

Ervin Santiago - January 03, 2023 - 07:45 AM

Maine binalikan ang mga bonggang blessing na natanggap noong 2022; Carla 'simply grateful to be alive'

Carla Abellana at Maine Mendoza

SINALUBONG ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza ang Bagong Taon sa pamamagitan ng pagpo-post ng short video kung saan makikita ang ilang highlights ng kanyang 2022.

Sa kanyang Instagram account, ipinahatid ng Kapuso TV host-actress ang kanyang pasasalamat sa lahat ng magagandang bagay at hindi malilimutang karanasan niya nitong nagdaang taon.

Mapapanood sa kanyang Instagram reel ang mga candid at memorable moments niya throughout the year kasama ang kanyang pamilya, mga kaibigan, ang kanyang “Eat Bulaga” Dabarkads, at siyempre ang fiancé niyang si Congressman Arjo Atayde.

Nasa video clip din ang ilang rampa moments niya sa pagta-travel niya sa iba’t ibang bansa last year, kabilang na ang Europe vacation  nila ni Arjo at ang Singapore trip nila ng mga kaibigan niyang sina Maja Salvador at MJ Lastimosa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)


“Thank you, 2022. Thank you family, friends and bub. What a great year it has been! [C]heers to 2023!” ang short but sweet caption ni Maine sa kanyang IG post.

Isa sa mga highlights ng 2022 ni Maine siyempre ay ang engagement nila ni Arjo na naganap noong July, 2022. Last month lang, nag-celebrated ang celebrity couple ng kanilang fourth anniversary.

Nauna rito, ibinandera rin ni Maine ang pagbabakasyon nila ng kanyang pamilya sa Osaka, Japan kung saan sila nagdiwang ng holiday season.

* * *

Sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok noong nakaraang taon, kabilang na ang paghihiwalay nila ni Tom Rodriguez, feeling blessed and grateful pa rin ang Kapuso actress na si Carla Abellana.

Looking forward pa rin daw siya sa mga pasabog at exciting na mga mangyayari ngayong 2023 sa kanyang career at personal life.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


Nagbahagi si Carla ng isang video ng fireworks display na kuha noong New Year’s Day. Aniya sa caption, “On this 1st day of the new year, I am simply grateful to be alive.”

Ayon pa sa aktres, ang magiging priority niya ngayong Bagong Taon ay ang kanyang sarili, pamilya at ang pagpapatuloy na kanyang “healing process”.

Sabi pa niya sa caption ng kanyang latest photoshoot, “It was time to honor and celebrate me.”

Maine hinding-hindi gagamitin ni Arjo para manalo sa Eleksyon 2022; ayaw isama sa kampanya

Throwback photo ni Maine na nagpapa-ultrasound kasama si Alden trending, sey ng AlDub nation: ‘Ito ang ebidensya!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maine, Arjo imposible na raw magpakasal ngayong 2022 dahil sa pamahiing ‘sukob’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending