Rabiya Mateo 'nagtatakbo' nang akalaing magpo-propose na si Jeric Gonzales: 'And I said YES!' | Bandera

Rabiya Mateo ‘nagtatakbo’ nang akalaing magpo-propose na si Jeric Gonzales: ‘And I said YES!’

Ervin Santiago |July 17,2023
facebook
share this

Rabiya Mateo ‘nagtatakbo’ nang akalaing magpo-propose na si Jeric Gonzales: ‘And I said YES!’

Ervin Santiago - July 17, 2023 - 01:13 PM

Rabiya Mateo 'nagtatakbo' nang akalaing magpo-propose na si Jeric Gonzales: 'And I said YES!'

Rabia Mateo at Jeric Gonzales

NAGTATAKBO palayo ang TV host-actress na si Rabiya Mateo nang akalaing magpo-propose na sa kanya si Jeric Gonzales.

Viral na ngayon sa social media ang video kung saan sinorpresa ni Jeric ang kanyang girlfriend nang sunduin niya ito sa airport kamakailan.

Totoong nag-propose ang Kapuso hunk actor kay Rabiya nu’ng araw na yun pero hindi para magpakasal kundi para yayain ang dalaga na maka-date sa GMA Gala Night 2023.

Sa kanyang Instagram account, ipinost mismo ni Rabiya kahapon ang mga litrato at video nang pagkikita nila ni Jeric sa airport kung saan nga naganap ang viral “proposal.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ani Rabiya sa caption, “And I said ‘YES! Thank you and I love you @jericgonzales07.”

Mapapanood nga sa video na palabas si Rabiya ng airport habang hinihintay ni Jeric ang kanyang pagdating na may bitbit nang flowers at cartolina.

Nang makita ni Rabiya ang bitbit ni Jeric na bulaklak at naka-fold na cartolina bigla itong tumakbo palayo at tawa nang tawa.

Baka Bet Mo: Rabiya umaming 1 week lang tumagal ang hiwalayan nila ni Jeric, grabe ring magregalo: ‘Babaeng bakla talaga ‘ko! Namimigay din tayo ng support!’

Lumapit ang aktor sa dalaga sabay abot ng flowers at saka binuksan ang cartolina. Tumatawa pa rin si Rabiya  habang lumalayo sa kanyang boyfriend.

Huminto lang sa paglayo ang TV host at dating beauty queen nang mabasa na ang nakasulat sa dalang cartolina ni Jeric na nagsasabing, “Will you be my gala date, Rabiya?”

Mabilis namang lumapit si Rabiya kay Jeric at sa yumakap nang mahigpit. Obviously, inakala ng dalaga na marriage proposal na ang gagawin ng kanyang boyfriend kaya lumalayo siya rito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


“Kinabahan ako hahah gala proposal pala.”

“Akala mo will u marry ano? Hahaj i can see it hahah.”

“Nakakainis! Kala ko kasalan na, eh (with laughing face emoji) anyways, WE’RE SO HAPPY HAPPY FOR YOU MIMA HEHEHEH GANDA KA??”

“Yung akala mo marriage proposal na.”

“Kaaliw naman kasi ang reaksiyon ni Rabiya, ha!”

“Gusto ko lang naman mag IG pero bakit nainggit ako? Labyu @rabiyamateo.”

“Kilig to the bonez ang beshy ko!!!”

“HAHAHA nakabawi din si kuya Je! Hahaha pero yung tawa mo Rabiii haha kyooot talaga! Congratulations! Enjooooy the GMA Gala Night. love you both!”

Ilan lamang iyan sa mga comments ng netizens sa IG post ni Rabiya.

Bea mas gustong ikasal muna bago magkaanak kay Dominic, kinukulit ng nanay: ‘Gusto ko na ng mapuputing apo!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bwelta ni Alice Dixson sa mga nang-okray sa kanyang GMA Gala Night yellow gown: Ang tao nga naman…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending