Kakai Bautista pinagbawalan ng abogado na banggitin ang pangalan ng Thai superstar na si Mario Maurer | Bandera

Kakai Bautista pinagbawalan ng abogado na banggitin ang pangalan ng Thai superstar na si Mario Maurer

Ervin Santiago |June 22,2023
facebook
share this

Kakai Bautista pinagbawalan ng abogado na banggitin ang pangalan ng Thai superstar na si Mario Maurer

Ervin Santiago - June 22, 2023 - 11:32 AM

Kakai Bautista pinagbawalan ng abogado na banggitin ang pangalan ng Thai superstar na si Mario Maurer

Kakai Bautista at Mario Maurer

“AY asino ‘yun?” ang birong sagot ng Kapuso singer-comedienne na si Kakai Bautista nang matanong tungkol sa Thai superstar na si Mario Maurer.

Umiwas nang bonggang-bongga ang komedyana nang mapag-usapan sa guesting niya sa Kapuso afternoon programa na “Fast Talk with Boy Abunda” ang sikat na Thai actor.

Sa episode kahapon ng showbiz talk show ni Boy Abunda, magkasamang na-hot seat si Kakai at ang kapwa komedyana at kaibigan niyang si Cai Cortez.

Tinanong ni Tito Boy ang mag-BFF kung anu-ano ang mga natutunan nila at realizations sa pakikipagrelasyon sa kanilang mga past boyfriends.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝑲𝒂𝒌𝒂𝒊 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@ilovekaye)


“Pinakaimportanteng leksyon na natutunan niyo sa mga lalaki? Can you talk about Mario Maurer?” ang questio. ni Tito Boy kay Kakai.

“Ay sino ‘yun?” ang mabilis na tugon ng comedienne-host sabay pabirong lumayas sa stage kaya naman tawanan ang mga taong nasa studio.

Baka Bet Mo: Erich game na game makatambal uli si Mario Maurer: Yung friendship namin hindi nawala

“Ako’y humihing ng pahintulot, hindi ka puwedeng magkuwento?” hirit uli kay Kakai ng award-winning Kapuso TV host.

“Let’s not talk about the past Tito Boy,” sagot naman ng aktres. Na sinang-ayunan naman ni Tito Boy, “Oo naman totoo naman ‘yan but we learned from the past.”

Dagdag pa ng Kapuso comedienne, pinagbawalan na siya ng kanyang abogado na banggitin at pag-usapan si Mario sa kahit anong interview niya para makaiwas sa kanegahang isyu.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mario Maurer (@mario_mm38)


“My lawyer doesn’t allow me,” chika ni Kakai.

Tungkol, naman sa kanyang love life, mukhang wala pang balak magkadyowa ang dalaga sa puntong ito ng kanyang buhay.

Mas gusto raw muna niyang ma-enjoy ang kanyang pagiging single, “Tito Boy late na akong nag-start mag-enjoy sa buhay so gusto ko munang namnamin ‘yun para ready na ako when I fall in love again.”

* * *

Proud na ipinakilala ng GMA Integrated News ang mga bago nitong weather presenters na sina Maureen Schrijvers,  Katrina Son, Amor Larrosa, at Anjo Pertierra nitong Martes, June 13. Mapapanood silang apat sa iba’t ibang newscasts ng Kapuso Network.

Ang Sparkle GMA artist at SEA Games Silver Medalist na si Maureen ang mag-uulat ng lagay ng panahon gabi-gabi sa “24 Oras.”

Dadagdag naman sa “Unang Hirit” barkada ang professional volleyball player turned at sportscaster na si Anjo upang maghatid ng weather updates sa longest-running morning show.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)


Ang beteranang news correspondent na si Katrina, makakasama ng mga Kapuso viewers sa midday newscast ng GTV na Balitanghali.

Mula naman sa pagiging GMA Integrated News weather producer, mapapanood sa late night newscast na Saksi at GTV newscast na State of the Nation si Amor.

Maghahatid din sila ng weather reports sa “Dapat Alam Mo!” at “24 Oras Weekend.”

Talagang masasabing news authority ng Filipino’ ang GMA Integrated News dahil patuloy nitong pinagtitibay ang paghahatid-balita, gaya na lang nang pinalakas pang news weather reporting kasama ang mga bagong weather presenter.

Kampo ni Kakai rumesbak sa demand letter ni Mario Maurer

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kakai binalaang tigilan na si Mario Maurer dahil kung hindi…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending