Kakai Bautista sinupalpal ang nagsabing mag-anak siya para may taga-alaga pagtanda: Kaya kong magbayad ng mag-aalaga sa akin | Bandera

Kakai Bautista sinupalpal ang nagsabing mag-anak siya para may taga-alaga pagtanda: Kaya kong magbayad ng mag-aalaga sa akin

Therese Arceo |June 07,2023
facebook
share this

Kakai Bautista sinupalpal ang nagsabing mag-anak siya para may taga-alaga pagtanda: Kaya kong magbayad ng mag-aalaga sa akin

Therese Arceo - June 07, 2023 - 08:30 PM

Kakai Bautista sinupalpal ang nagsabing mag-anak siya para may taga-alaga pagtanda: Kaya kong magbayad ng mag-aalaga sa akin

AMINADO ang komedyanang si Kakai Bautista na may mga pagkakataong nais na sana niyang lumandi pero pinipigilan siya ng mga responsibilidad sa buhay.

Sa kanyang Facebook page ay nag-post siya ukol sa random thoughts niya hinggil sa pagkakaroon ng dyowa.

“Minsan gusto din talagang lumandi at mama[n]sin ng lalake pero kapag naiisip ko yung mga bayarin, gusto ko pang ma-achieve para sa sarili ko, NAGIGISING ako sa KATOTOHANANG di ko kailangan ng LALAKE para sumaya,” pagbabahagi ni Kakai.

Dagdag pa niya, “KAILANGAN ko PERA”.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naturang post ni Kakai.

May ilan na agree sa komedyana habang ang iba naman ay tila taliwas ang paniniwala sa kanya.

“Kung ayaw mong mag asawa atleast mag pa anak ka nalang.mahirap tumanda mag isa super hirap maniwala ka.aanhin mo ang lahat ng pinagpaguran mo kung mag isa kalang.wag mo isipin ang mga bayarin tatanda kang mag isa tlaga.pag may rayuma kana walang hihilot ng sakit walang maghaplas sa likod mo,” saad ng netizen.

Baka Bet Mo: Kakai Bautista: ‘Wag kang mag-anak kung hindi mo kayang buhayin

Sinagot naman ito ng singer-actress at sinabing, “Kaya kong magbayad ng mag-aalaga sa akin. HINDI AKO MAG-AANAK para obligahin silang MAG-ALAGA sa akin sa PAGTANDA ko. Aalagaan ko sila at palalakihin sa mindset na Magkukusa sila.”

May mga komento rin sa post ni Kakai na humanap raw ito ng lalaking kaya siyang buhayin.

“Haha ok kya lumandi mag mahal kong aalagaan at pag gagastohan ka wd love haha,” sey ng isang netizen.

Hirit naman ni Kakai, “Bawal dito mga di kayang mabuhay walang LALAKI. Papait kayo sa mga statements ko.

Nakakatawa yung mga comments na dapat ‘kaya kang buhayin’ or ‘wag na kung di ikaw ang bubuhay’.”

Aniya, hindi raw niya hahayaang mangyari sa kanya ang mga ganitong eksena.

“[Hin]di ako kailangang buhayin ng LALAKE. Una AYOKO. Kailangan mas mayaman ako sa kanya. Pangalawa kung mag aasawa ako, hindi ko kailangang maging dependent sa pera nya. NO. Yuck for that mindset,” sabi ni Kakai.

Pagpapatuloy niya, “At hindi ako makikipagRelasyon sa WALANG PERA. Periodt.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kuya Kim, Joross, Kakai kumampi kay Michael V sa isyu ng content creator: ‘Amen brother! It’s not about views, it’s about value’

Kakai Bautista ibinunyag na siya ang singer ng ‘Maynila’, netizens nawindang: ‘OMG! IKAW PALA YUN!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending