Kakai Bautista na-bully nang bongga, paalala sa sarili: You are enough!
MATINDING pambu-bully din ang naranasan ng tinaguriang Dental Diva na si Kakai Bautista noong kanyang kabataan.
Tandang-tanda pa rin ng singer-comedienne ang mga ginawang panlalait at pananakit sa kanya ng mga taong walang alam gawin sa kanilang buhay kundi ang mam-bully ng kapwa.
Baka Bet Mo: Anak nina Troy at Aubrey na may ASD sumailalim sa major dental surgery sa edad na 4, bakit kaya?
Kaya naman, hugot na hugot si Kakai sa tema ng bago niyang kantang “Karapat-Dapat” dahil tumatalakay ito sa pagmamahal at pagrespeto sa sarili.
View this post on Instagram
Puno ng pagmamahal at self-confidence ang ipinakita ng dalaga Dental Diva sa naturang awitin tungkol sa pagbibigay-halaga sa sarili sa gitna ng iba’t ibang negatibong salita na maaaring marinig.
“It will remind you that your past will only beautifully define you if you learn from it and you use your strength para ipaalala sa sarili mo na you are enough,” pahayag ni Kakai.
Isinulat ang kanta ni Trisha Denise at iprinodyus ng StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.
Para kay Kakai, naging inspirasyon din niya ang bullying na naranasan niya at nais niyang makapaghatid ng lakas na muling bumangon mula sa pagsubok ng buhay sa pamamagitan ng bagong awitin.
Baka Bet Mo: Heart Evangelista basag sa dental hygienist dahil sa paggamit ng ‘teeth whitening pen’
“I was bullied during my childhood days at ang laking part nito sa buhay ko at sa growth ko as an artist.
View this post on Instagram
“Kaya I want to impart ‘yung mga natutunan ko with this experience at ‘yung pwede nating makuhang lakas mula sa masasakit na bagay,” pagbabahagi pa ng komedyana.
Nagsimula si Kakai bilang theater actress at nakilala sa kanyang pagtatanghal sa play na “Alikabok.”
Naging bahagi rin siya ng iba’t ibang blockbuster films tulad ng “Crazy Beautiful You”, “Suddenly It’s Magic”, at “Hello, Love, Goodbye”. Napanood din siya sa Kapamilya series na “Kay Tagal Kitang Hinintay”, “Kokey”, at “Can’t Buy Me Love.”
Bilang singer, inilunsad niya ang rendition ng “Bakit Nga Ba Mahal Kita” noong 2016 na umani ng mahigit limang milyong streams sa Spotify.
Nakapaglabas din si Kakai ng iba’t ibang awitin tulad ng “Pag-ibig Ko’y Panalo,” “Huwag Ka Nang Bumalik,” at “Tingnan Mo Naman Ako.”
Pakinggan ang bagong single ni Kakai na Karapat-Dapat na available na sa iba’t ibang digital streaming platforms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.