Yasmien matapos ‘apihin’ ang anak: ‘Why would parents defend bullies?!’
MASAKIT pa rin para kay Yasmien Kurdi ang sinapit ng anak na si Ayesha mula sa mga “bullies” ng pinapasukang private school.
Sa recent Instagram Story ng mister ni Yasmien na si Rey Soldevilla, tila nasa eskwelahan ng kanilang anak ang aktres at makikitang umiiyak ito.
Caption diyan ni Rey, “Iba talaga magmahal ang isang ina. Ramdam niya ang sakit na dulot sa kanyang anak.”
Shinare naman ito mismo ni Yasmien at ang sabi niya: “Salamat sa lahat ng nag-reach out. Kilala ko na ngayon sino ang mga totoo samin at ‘yung mga backstabbers.”
Kasunod niyan, may ipinost din ang celebrity mom na patama umano sa mga magulang ng nang-bully kay Ayesha.
“I don’t understand it. Why would parents defend bullies,” sambit niya.
Wika pa niya sa post, “Obviously if it’s 7 or more [versus] 1 so alam mo na sino [nam-bully]. I just hope this won’t happen to your kid.”
May ibinandera rin si Yasmien na picture ng isang bata na nakatakip ang mukha at may mga kamay na nakaturo sa paligid nito.
Paglalarawan ng aktres, “This is exactly what happened to my kid.”
Aniya pa, “Isama mo pa ang mga parents na kunsintidor at marites.”
Kamakailan lang, ikinuwento ng celebrity mom na pinalibutan ng pito hanggang siyam na estudyante ang kanyang anak upang hindi makalabas ng classroom at para hindi makakain at makapag-recess.
Sinabi rin ng aktres sa naunang post na bata pa ang kanyang anak para maranasan ang ganitong klase ng pambu-bully.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.