Yasmien proud sa panganay na nagtapos ng Grade 6: Dream big!

Yasmien proud sa panganay na nagtapos ng Grade 6: Dream big…always!

Pauline del Rosario - June 02, 2024 - 02:31 PM

Yasmien proud sa panganay na nagtapos ng Grade 6: Dream big...always!

PHOTO: Instagram/@yasmien_kurdi

TUTUNGTONG na ng junior high school ang panganay na anak ni Yasmien Kurdi na si Ayesha Zara.

Sa Instagram, proud na ibinandera ng celebrity mom ang ilang moments sa naging graduation day ng anak sa Colegio San Agustin Makati.

Kabilang na riyan ang video ng pag-akyat ni Ayesha sa stage upang tanggapin ang diploma, pati na rin ang batch picture nila sa eskwelahan.

Makikita rin ang ilang family pictures kung saan hindi lang si Yasmien ang present sa graduation ni Ayesha, kundi pati ang kanyang ama na si Rey Soldevilla, Jr. at newly-born na kapatid na si Raya.

“Congratulations on your graduation our dear Ayesha!” caption ng aktres sa post.

Baka Bet Mo: Anak ni Yasmien Kurdi biktima ng ibang level ng pambu-bully sa school, palaging paalala kay Ayesha: ‘Maging mabait ka lang lagi at maging humble’

Mensahe niya sa anak, “We can’t wait to see the incredible future you’ll create.”

“Dream big – always remember that sky is the limit. So proud Mama and Papa here! We love you!” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi)

Kasunod niyan, ibinandera ni Yasmien ang isang video na makikita ang pagbaba ng anak sa stage at nag-sign language.

Ang tanong ng aktres sa hiwalay na IG post, “Can someone tell me what this means?”

At may caption din na: “She wanted to tell us something [thinking face emoji]”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi)

Ayon sa mga nag-comment, ang ibig sabihin ng ginawa ni Ayesha ay, “Thank you, mama and papa. I love you!”

Kasabay niyan ay ang mga “congratulatory” messages ng ilang celebrities and personalities para sa panganay ng celebrity mom.

“So sweet! Congratulations, Ayesha! [heart emoji],” komento ng aktres na si Sue Ramirez.

Saad naman ng entertainment reporter na si Nelson Canlas, “That’s sign language for ‘Thank you, Papa, Mama. I love you.’ Such an intelligent and sweet baby. Congratulations, Ayesha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wika naman ng comedienne-actress na si Chariz Solomon, “Grabe nakakaiyak naman [holding back tears emojis] congratulations sa inyo!! [heart hands emojis]”

Hindi ito ang unang beses na ipinagmalaki ni Yasmien si Ayesha sa mundo ng social media.

Kung matatandaan last year, super proud ang aktres nang magwagi ang anak sa kauna-unahan nitong singing contest sa paaralan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending