Anak ni Yasmien na na-bully sa school sumailalim sa counseling: 'Ayoko nang danasin niya ‘yung nangyari last year' | Bandera

Anak ni Yasmien na na-bully sa school sumailalim sa counseling: ‘Ayoko nang danasin niya ‘yung nangyari last year’

Ervin Santiago - August 29, 2023 - 07:36 AM

Anak ni Yasmien na na-bully sa school sumailalim sa counseling: 'Ayoko nang danasin ‘yung pinagdaanan niya last year'

Yasmien Kurdi at Ayesha

NAAYOS na ang naging complaint ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa school ng kanyang anak na si Ayesha matapos itong magbiktima ng cyberbullying.

Mismong ang aktres at celebrity mom ang nagkuwento sa ilang members ng entertainment media sa presscon ng bago niyang serye sa GMA 7 na “The Missing Husband” ng tungkol sa naranasang pambu-bully sa kanyang anak ng mga kaklase nito.

Kuwento ni Yasmien, last year nangyari ang insidente at naayos na raw ng adviser nina Ayesha. Sa katunayan, sumailalim pa sa counseling ang bagets para maiwasan ang pagkakaroon ng trauma.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Gumawa din daw ng paraan ang aktres para hindi muna makakasama ng anak ang mga classmates niyang nam-bully dito.

“My daughter recently experienced bullying. To the point na ginawa siyang ‘Ayesha hate club’ online. Ganu’ng level. Siyempre, ako bilang mommy, ipaglalaban ko siya kasi mahal ko siya.

“Pero buti na lang, isa  sa mga bestfriends ng anak ko, dahil nagri-recruit ‘tong student sa ‘Ayesha hate club’, so ang ginawa nung bestfriend niya, chinange yung name to ‘Ayesha fan club’ ganu’n.

“So, mabait tong bestfriend niya. Sobrang love ko. Buti na lang may mga ganu’ng friends, ‘yung totoong friends mo talaga,” kuwento ni Yasmien.

Baka Bet Mo: Yasmien Kurdi naloka matapos magkamali ng pinasok na tent sa taping: ‘Set po ito nina Bea Alonzo…’

Ang advice raw niya kay Ayesha, “Sabi ko nga sa anak ko, hindi naman lahat magugustuhan ka. Sabi ko nga sa StarStruck, you can’t please everybody ‘di ba?’ ‘Pag marami kang fans, marami ka ring bashers. So, sabi ko you know, ‘yun ‘yung realidad ng buhay. You have to be strong.

“Basta ako, lagi akong nandito. Kapag alam kong tama ‘yung anak ko, I always fight for her. Pero kapag alam kong mali ‘yung anak ko, ako mismo ‘yung mag-sorry at mag-apologize sa parents,” ani Yasmien.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Patuloy pa niya, “ Ngayon kasi enrollment time, ‘di ba? So, ni-request ko talaga na kung puwede huwag na muna pagsamahin ‘yung mga kid na nam-bully sa kanya, sa isang section. Kasi ayoko nang danasin ‘yung pinagdaanan niya last year, about  ‘yung gumagawa sila ng ‘Ayesha Hate Club.’

“Nasasaktan ako as a mom. Hindi maganda ‘yun. So, gusto lang muna naming umiwas si Ayesha du’n. Then, nagkaroon siya ng parang counseling with the guidance sa school nila about the incident.

“Now, ‘yung bata naman, in fairness to her, she’s very positive. Mas positive po ‘yun sa akin. Positive ‘yung outlook niya sa life and hindi siya natitinag sa ganu’n,” paliwanag ng aktres.

Yasmien Kurdi proud na proud sa anak na nanalo sa singing contest: Sayang wala ako…nasa taping kasi

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anak ni Yasmien Kurdi biktima ng ibang level ng pambu-bully sa school, palaging paalala kay Ayesha: ‘Maging mabait ka lang lagi at maging humble’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending