DJ Loonyo handa nang lumaban kontra-cyberbullying: My purpose in life is to spread love | Bandera

DJ Loonyo handa nang lumaban kontra-cyberbullying: My purpose in life is to spread love

Ervin Santiago - June 09, 2020 - 10:20 AM

Dj Loonyo

KUNG may mga bumatikos at nanglait sa internet sensation na si DJ Loonyo, meron din namang kumampi at nagtanggol sa kanya.

Kontrobersyal ngayon ang binatang DJ-choreohrapher dahil sa dalawa niyang viral video kung saan mapapanood ang sablay at palpak na paliwanag niya tungkol sa mass testint at tamang paggamit ng face mask.

Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato sa kanya ng mga netizens kabilang na ang ilang celebrities na tumawag sa kanya ng “bobo”, “tanga”, “mayabang”, “maangas” at marami pang iba.

Nag-sorry na si DJ Loonyo sa nagawa niyang kapalpakan at kasabay nito, nagpalasamat din siya sa lahat ng mga taong nag-message sa kanya nang personal para sabihin nang diretsahan ang kanyang mga sablay sa halip na okrayin at laitin siya sa social media.

“I salute and respect those people na yung initial reaction nila was to message me.

“Yung initial reaction nila was to educate me, yung initial reaction nila was… the complete thought of caption, instead of putting fire of what they did, they used their voice to correct me, and to correct the misinformation, and para ma-stop yung nangyayari,” pahayag ng DJ.

Ayon sa binata, sa mga nangyari sa kanya nitong nakaraang mga araw, mas naging matindi ang pagnanais niyang gamitin ang kanyang impluwensiya kontra-cyberbullying.

“That’s not my mission in life (mam-bully), that’s not my purpose in life. My purpose in life is to spread love, and to spread happiness, to spread the right thing,” aniya.

“Napatunayan ko sa sarili ko na nag-grow ako, hindi ko pinili yung hate, hindi ko pinili yung ibang path.

 “Right now, I’m using my voice. Trust me, bashing or hating, throwing a lot of hatful message will not give a lot of positive effect in this world,” pahayag pa ng kontrobersyal na DJ.

Nauna rito, nagbigay ng mensahe si DJ Loonyo sa pamamagitan ng Facebook Live sa lahat ng mga taong tumawag sa kanya ng “bobo” kabilang na nga riyan ang aktres na si Lauren Young.

Aniya, “Kung sino man ang nanonood ngayon, can you please contemplate, can you please ask yourself, ‘Is this what I want? Eto ba yung gusto kong ituro sa anak ko?’

“Everything will start in ourselves, everything will start with our whole family.

“And then the people, sa artists, sa celebrities who told me those kinds of stuff, I understand, naiintindihan ko kung saan sila nanggagaling, I really understand.

“And then, I just hope and I just pray na sana hindi ito mangyari sa kanila, or hindi man mangyari sa kapatid nila.

“What you put in the universe will go back to you. What we posted, kung ano yung pinagsasabi natin sa social media ngayon, like bobo, tanga, and everything, it will take effect sa younger generation.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakikita nila yun, nakikita ng mga bata. When they see these things, it will implant the new normal in their head na okay, it’s cool na magsabi ng tanga sa kapwa, it’s cool magsabi ng bobo sa kapwa,” pahayag ng DJ.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending