Yasmien proud na proud sa anak na nanalo sa singing contest

Yasmien Kurdi proud na proud sa anak na nanalo sa singing contest: Sayang wala ako…nasa taping kasi

Pauline del Rosario |May 07,2023
facebook
share this

Yasmien Kurdi proud na proud sa anak na nanalo sa singing contest: Sayang wala ako…nasa taping kasi

Pauline del Rosario - May 07, 2023 - 12:17 PM

Yasmien Kurdi proud na proud sa anak na nanalo sa singing contest: Sayang wala ako…nasa taping kasi

PHOTO: Instagram/@yasmien_kurdi

PROUD na ibinandera ng award-winning actress na si Yasmien Kurdi ang kanyang anak na si Ayesha Zara sa social media.

Nagwagi kasi si Ayesha sa kauna-unahan niyang singing contest na naganap sa kanyang eskwelahan sa Colegio San Agustin.

Makikita sa isang Instagram post ang ilang litrato ng anak ni Yasmien na nakasuot ng Princess Jasmine costume, pati na rin ang ilang candid photo habang siya’y kumakanta sa stage.

Masayang caption niya, “Congratulations #AyeshaZara for winning 1st place [medal emoji] sa iyong 1st #singingcontest [red heart emoji].”

Tila nagsisi pa nga ang aktres dahil hindi niya napanood ang kanyang anak.

Paliwanag niya, naging abala kasi siya sa trabaho at may inaasikasong taping.

“Mama’s so proud of you! love youuuu!!! Sayang wala ako… nasa taping kasi,” lahad sa IG post.

Paliwanag niya, “Pero kinwento at pinadala ni Papa lahat ng videos at photos sakin! Proud kami sayo!”

Baka Bet Mo: Yasmien Kurdi proud sa pagiging ‘weird’: We are all unique in our own way

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi)

Napa-comment naman ang maraming fans at sinabing manang-mana si Ayesha sa kanyang ina.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Congratulations Ayesha [clapping hands emoji]…may pinagmanahan [red heart emoji].”

“She really is your minimi @yasmien_kurdi the way she smiles, her look. My gosh! ikaw na ikaw so pretty! Congratulations baby girl!”

“Congrats Ayesha!! Like mommy galing kumanta [clapping hands emojis].”

Talaga nga namang “like daughter, like mommy” ang peg ng mag-ina.

Magugunita noong nakaraang buwan lamang ay nakakuha ng pagkilala si Yasmien kasabay ng kanyang pagdiriwang ng 20th anniversary sa showbiz industry.

Naiuwi niya ang “Outstanding Woman of Inspiration with Significant Achievement in Philippine TV and Film” na mula sa Crystal International Women’s Awards, at ang “Most Outstanding Female Celebrity & performing Artist” na nanggaling naman sa Philippine Social Media Awards.

Ayon sa aktres, nakuha niya ang dalawang awards sa isang gabi lamang.

Matatandaan noong Pebrero lamang ay kinilala siyang “Best Actress 2022” sa 3rd Southeast Asian Achievements Awards.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yasmien Kurdi naloka matapos magkamali ng pinasok na tent sa taping: ‘Set po ito nina Bea Alonzo…’

Lolit Solis tuloy ang pambabasag kay Bea Alonzo: Kapag katabi niya si Yasmien Kurdi mukha siyang…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending