Yasmien Kurdi naloka matapos magkamali ng pinasok na tent sa taping: 'Set po ito nina Bea Alonzo...' | Bandera

Yasmien Kurdi naloka matapos magkamali ng pinasok na tent sa taping: ‘Set po ito nina Bea Alonzo…’

Ervin Santiago |September 25,2022
facebook
share this

Yasmien Kurdi naloka matapos magkamali ng pinasok na tent sa taping: ‘Set po ito nina Bea Alonzo…’

Ervin Santiago - September 25, 2022 - 12:00 PM

Yasmien Kurdi, Alden Richards, Bea Alonzo at Jeric Gonzales

TAWA kami nang tawa sa kuwento ng Kapuso actress at singer na si Yasmien Kurdi tungkol sa nakakalokang karanasan niya na may konek kay Bea Alonzo.

Magkasama ngayon sina Yasmien at Bea sa bagong primetime series ng GMA 7 na “Start-Up PH” na magsisimula na ngayong darating na Lunes, September 26, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad.

Ayon kay Yasmien, dream come true para sa kanya ang makatrabaho si Bea at nagpapasalamat siya sa GMA 7 dahil siya ang napili na makasama ng dating Kapamilya actress at ni Alden Richards sa Pinoy adaptation ng hit Korean series na “Start-Up PH”.

“Happy din ako dahil nakatrabaho ko ngayon, at first time ni Bea dito sa GMA,” sey ni Yas na palaging napagkakamalan ng ibang tao na si Bea.

Pagbabahagi pa ni Yasmien, “Lagi nilang sinasabi kasi na magkamukha daw kami ni Bea. Even before pa noong nasa ABS-CBN siya. Marami pa nga akong stories, e.

“Like kunwari, di ba ikinuwento ko ‘yun, pumunta ako one-time sa… there was this shooting sa Baseco, tapos mayroon silang set doon, parang soap nila ni John Lloyd (Cruz).

View this post on Instagram

A post shared by rodolfo (@rodolfositchon)


“Then, nagsu-shoot din kami doon ng Bakekang, tapos akala ko GMA lang ‘yung nagte-taping doon sa show. Tapos, pumasok na ako sa loob ng tent, nag-set up na ako, lahat-lahat, natulog na ko, ganoon.

“Tapos nilapitan ako ng PA, ‘Ah Miss Yas, hindi po kayo dito’ ‘Ha bakit, may taping kami?’ ‘Set po ito nila Bea Alonzo,'” natatawang pag-alala ni Yasmien.

Naalala rin ng “StarStruck” alumna nang mapagkamalan siya ni Donita Rose na si Bea Alonzo, “Mayroon ding time na si Donita Rose, like sabi niya sa akin, ‘I watched your movie.’ 

“Sabi ko, ‘Anong movie? Wala naman akong movie.’ Akala niya si Bea, until noong time na ‘yun talaga hanggang ngayon sobrang, sabi niya, ‘Sorry talaga, akala ko ikaw si Bea,’ dahil nga ‘yung resemblance namin,” chika pa ni Yasmien.

Pagpapatuloy pa niya, “Pero hindi ko naisip na one day makakatrabaho kami dahil nga we’re from two different worlds–doon siya sa kabila, and nandito ako. 

“Ito, ito na ‘yung time na hinihingi ng mga fans na sana maging magkapatid kami in a show,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kuwento ng “Start-Up PH”, gaganap si Bea Alonzo bilang si Danica “Dani” Sison, ang kapatid ni Katrina “Ina” Sison/Diaz, ang karakter naman na gagampanan ni Yasmien.

Yasmien niregaluhan ni mister ng bagong sasakyan: Dream car ko talaga siya!

‘Nakakaloka ang pa-house tour ni Kiray sa Tagaytay!’

Luis: Alam n’yo bang dapat ako ang magho-host ng StarStruck?

Reaksyon ni Ate Vi nang isilang si Luis: Bakit ganito itsura? Parang malaking daga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending