Heart Evangelista basag sa dental hygienist dahil sa paggamit ng ‘teeth whitening pen’
BINASAG ng isang TikTokerist na nagpakilalang registered dental hygienist ang Kapuso actress na si Heart Evangelista matapos makita ang isang post nito sa Instagram.
Maraming netizens ang nag-react sa kumakalat na TikTok video ngayon kung saan sinagot nga ng nasabing dental hygienist ang pinagsasabi ni Heart tungkol sa pagtatanggal ng stain sa ngipin.
Ang tinutukoy ng TikTokerist ay ang paggamit ng aktres at fashion icon ng “teeth whitening pen” na ipinakita nga niya sa kanyang IG post last October 13.
Sey ni Heart sa caption, “I always bring this teeth whitening pen with me so I can remove coffee stains after drinking coffee.”
Nang makita nga ito ng nagpakilalang dental hygienist na si “@jerry_RDH” sa kanyang TikTok entry, nilinaw niya na parang may mali sa mga naging pahayag ni Heart tungkol sa tamang paggamit ng teeth whitening pen.
Sabi nito, “Hey guys, I love these. Here’s somebody (si Heart) marketing a whitening pen. Now read this caption.” At binasa nga ang inilagay na caption ni Heart sa kanyang IG post.
Sey pa ng dental hygienist, “One second…” sabay pakita sa crowns ng mga ngipin ni Heart.
“Ta-da! These are crowns. You can’t whiten crowns with a whitening pen.
“So also, you don’t whiten your teeth right after you drink coffee to remove stains.
View this post on Instagram
“Your teeth don’t stain that fast after you have something dark. It doesn’t work that way,” ang paglilinaw pa ng dental hygienist.
Dagdag pa niyang paliwanag, “It takes time to stain your teeth and then you whiten your teeth to remove it.
“So Total Cap BS I’m sorry. This is what you need to look out for. There’s a lot of people advertising things, they don’t test them out, they\re just selling you a product, okay?” sey pa niya.
Paalala pa ng TikTokerist huwag daw basta-basta maniniwala sa mga nakikita at napapanood na mga advertisement sa social media.
“I would at least test it out if it’s a good product, I’ll put it out there for you guys to see. That’s the difference. Uh be aware.
Don’t fall for gimmicks, okay?” mariin pa niyang sabi.
Marami naman ang sumang-ayon sa nasabing dental hygienist pero may kumampi rin naman kay Heart. Narito ang ilan sa mga nabasa naming commenta.
“Please stop doing ads for whitening. U CANT WHITEN CROWNS LIKE THAT!!”
“Um but you CAN’T whiten crowns that way. ayayaya heart.”
“Crown? seriously?”
Hindi pa sumasagot si Heart tungkol dito.
Naghahanap ka ba ng pagkakakitaan? Baka eto na yung negosyong magpapayaman sa’yo
Pen Medina binanatan matapos sabihing hindi epektib ang face mask kontra COVID-19
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.