Kakai Bautista ibinunyag na siya ang singer ng ‘Maynila’, netizens nawindang: ‘OMG! IKAW PALA YUN!’ | Bandera

Kakai Bautista ibinunyag na siya ang singer ng ‘Maynila’, netizens nawindang: ‘OMG! IKAW PALA YUN!’

Pauline del Rosario |January 27,2023
facebook
share this

Kakai Bautista ibinunyag na siya ang singer ng ‘Maynila’, netizens nawindang: ‘OMG! IKAW PALA YUN!’

Pauline del Rosario - January 27, 2023 - 10:18 AM

Kakai Bautista ibinunyag na siya ang singer ng ‘Maynila’, netizens nawindang: ‘OMG! IKAW PALA YUN!’

PHOTO: Instagram/@ilovekaye

MAY nakakatuwang revelation ang singer-comedienne na si Kakai Bautista sa social media.

Matapos kasi ang dalawampu’t taon ay ibinunyag niya na siya ang orihinal na boses sa likod ng iconic theme song ng “Maynila,” ang dating drama romance anthology show sa GMA na ang host ay ang dating mayor ng Maynila na si Lito Atienza.

Nagpa-sample pa nga si Kakai sa isang uploaded video na nasa TikTok!

Sey pa nga niya bago kumanta, “Ito na ‘yung request niyo, tingnan natin kung original pa rin ang boses.”

@kakaiba_02 MAHAL KONG #Maynila SURREAL🥺 #fyp #foryoupage #maynilathemesong #Maynila ♬ original sound – Kakai Bautista

Dahil diyan ay maraming netizens ang nagulat at napa-comment sa kanyang post.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“OMG! Ikaw pala yun Miss Kakai after 20 years, ngayon ko lang nalaman. Ang galiiing!”

“Grabe Ms. Kakai, wala pa ring kupas! Naging part ka na halos ng mga childhood days namin. Way to go! (red heart emoji)”

“Omg in my 18 years old living ngayon ko lang nalaman na si Madam Kakai pala ang kumanta ng Maynila song (laughing emoji)”

As of this writing ay isang araw palang uploaded ang nasabing video, pero umaani na ito ng mahigit 3.7 million views.

Bukod diyan ay may Instagram post din si Kakai habang sinasayaw ang nasabing theme song.

Kwento pa ng komedyante, ito ang kaisa-isang kanta na na-record niya noong 2002.

“2002, The First and The Only Theme Song I recorded (laughing emoji) Nakakatuwa may sayaw sa Tiktok (laughing emoji),” sey niya sa IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝑲𝒂𝒌𝒂𝒊 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@ilovekaye)

May isa pa siyang TikTok video na pinapasalamatan ang lahat ng mga naka-appreciate sa kanyang kanta.

Naging emosyonal din siya nang sinabing “iconic” ang kanyang ni-record na kanta noong 2002.

“Thank you sa lahat ng nakaappreciate after 20 years. Guysh I’m overwhelmed (crying emoji) Vince sent me this kagabe. Naiyak ako. Kase sinabi nyong IConic. Waaaaaaah!!! THANK U!,” sey ni Kakai sa isang TikTok video. 

@kakaiba_02 Thank you sa lahat ng nakaappreciate after 20 years. Guysh I’m overwhelmed😱😭 Vince sent me this kagabe. Naiyak ako. Kase sinabi nyong IConic. Waaaaaaah!!! THANK U! #fyp #foryoupage #maynila #mahalkongmaynila #MaynilaKakai #fyp #foryoupage ♬ original sound – Kakai Bautista

Related chika:

Kakai Bautista hindi makapaniwala, grateful kay Korina: Hindi pa rin ako makapaniwala na andito ako kasama siya

Kakai Bautista pak na pak sa first single: Walang deadline ang pangarap!!!

Kakai Bautista: ‘Wag kang mag-anak kung hindi mo kayang buhayin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending