Kakai Bautista hindi makapaniwala, grateful kay Korina: Hindi pa rin ako makapaniwala na andito ako kasama siya | Bandera

Kakai Bautista hindi makapaniwala, grateful kay Korina: Hindi pa rin ako makapaniwala na andito ako kasama siya

Reggee Bonoan |November 23,2022
facebook
share this

Kakai Bautista hindi makapaniwala, grateful kay Korina: Hindi pa rin ako makapaniwala na andito ako kasama siya

Reggee Bonoan - November 23, 2022 - 02:15 PM

Kakai Bautista hindi makapaniwala, grateful kay Korina: Hindi pa rin ako makapaniwala na andito ako kasama siya

BIDANG-BIDA si Kakai Bautista sa co-actors niya, stylist, make-up artist at ilang production people na nakabasa ng pangalan ni Ms Korina Sanchez habang nagri=ring ang cellphone niya.

Maging ang komedyana ay nagulat at hindi malaman ang gagawin sabi nga niya ay nanginig siya nang tawagan siya ni Ms K.

“Nagte-taping ako, so, nakababa ‘yung phone diyan. Parang tinatawagan niya ako. E, ang nakalagay, totoong pangalan niya, si Ms. Korina Sanchez.

“So, naloka ‘yung mga kasama ko sa taping. ‘Bakit tinatawagan ka ni Miss Korina?’ Nag-aayos akong ganun. Ay, sagutin ko, ‘Hello, Madam.’

“Sabi nila, ‘Ay! Iba!’ Hanggang buong araw kaming nagte-taping, ‘Ay! Iba, tinatawagan ni Ma’am Korina!’ ‘Kalma, kalma, Korina lang ‘yan’ Ha! Ha! Ha! Ha! Rubbing elbows kami!

“So, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Hanggang ngayon, masayang-masaya pa rin ako at saka grateful ako,” kuwento ni Kakai kung paano siya kinausap ng producer ng show.

Inalok kasi siyang maging isa sa host sa weekly talkshow na “Tiktalks” na mapapanood simula sa Disyembre 3, Linggo sa TV5 at Radyo Singko 92.3 News FM at may replay tuwing Linggo, 7:00 PM sa One News na available sa Cignal Channel 250 HD at 8 SD, SatLite Channel 60 at Cignal Play app.

Sabi nga ni Kakai,“Kasi naman, Korina yun, di ba? Saka parang naisip ko, ‘Bakit ako? Wow!’ Ganun, tapos parang hindi ako makapaniwala. Kasi nga, di ba, sino ba naman.

“Although naggi-guest na talaga ako sa show ni Madam dati sa kabilang istasyon. So, minsan yung mga mahihirap, pinapagawa sa akin. ‘Kay Kakai na ipagawa iyan!’ Ha! Ha! Ha!

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝑲𝒂𝒌𝒂𝒊 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@ilovekaye)

 

“So, nakilala ko na siya and na-starstruck pa rin ako sa kanya every taping. So, hindi pa rin ako makapaniwala na andito ako kasama siya.”

Hiningan din ng reaksyon ang komedyana at TV host tungkol sa iba pa nilang kasama sa “Tiktalks” tulad nina Alex Calleja, G3 San Diego at Pat P Daza.

“Of course yung haligi, Miss Pat-P, di ba, saka si G3, saka si Kuya Alex. So, hindi ko alam kung oo ba ako o hindi pero mas oo ako. Parang ganun, ‘Totoo ba ito?’

“S,o sinabi niya sa akin ang konsepto na magkakaroon tayo ng ganito. Kasi, dumiretso sa akin, e, si Madam,”tsika ni Kakai sa nakaraang mediacon ng Tiktalks na ginanap sa TV5 Reliance, Mandaluyong City.

Ang gist ng TikTalks na produced ni Ms Korina kasama ang manager niyang si JOji Dingcong na naroon din sa mediacon ay tungkol sa mga viral issues na papanoorin muna nila saka naman sila magbibigay ng kani-kanilang komento. Kanya-kanya silang bato ng topic nap ag-uusapan nila sab ago nilang programa

Sabi ni Kakai, “Wala! Ano na lang kumbaga, para kasing general yung topic, e, about love. Sabi ko nga, itong topic namin, nag-o-open ng mga little topics within the show, the taping.

“So ayun, lumalabas na lang bigla siyempre. Si Madam, nagtatanung-tanong. Nagkukuwento din naman ako.”

Sa mga nabanggit na hosts ay sina Kakai at G3 ang level ng edad kung ikukumpara kina Ms K, Pat P at Alex kaya natanong kung may generation gap sila.

“Wala, wala. Si Ms. Pat-P din, OK kami. Kasi ano nga, e, hindi din namin alam kung paanong nangyaring magic sa chemistry. Hindi kami nao-offend sa isa’t isa, alam mo yun? Masaya yung usapan, ganun,” katwiran ng komedyana.

Wala naman daw napipikon sa kanila o nagkakainitan kapag may topic na hindi lahat ay sang-ayon.

“Kasi sanay naman ako sa ganun, e! Sanay naman kami sa ganung batuhan,” saad ni Kakai.

Dagdag pa, “saka ano, maingat din naman kami kapag nagsalita na si Madam, alam mo yun? Siguro nga, may respect din kami sa isa’t isa.

“Pag sobrang masaya, ‘Teka!’ sabi ni Madam. Pag sobrang masaya na, ‘yung nakakalimutan (sabi raw ni Korina) ‘Hoy, talk show ito! Hindi ito ano!’

“Ganun. So, nababalanse ni Kuya Alex din ‘yung side ng boys, side ng girls, di ba? So, maganda na nandun talaga siya. Parang siya talaga yung gitna namin.”

Sa palagay ni Kakai kaya siya kinuha ni Ms K bilang isa sa TikTalkers ay dahil marami siyang opinyon plus mahusay magpatawa kaya hindi boring ang show.

“Siguro she finds me really opinionated and outspoken. Kasi, nu’ng first time niyang tumawag sa akin, parang nagulat ako. Kasi, before kasi I was with Rated K sa ABS-CBN, di ba? ‘O eto, isalang mo si Kakai diyan!’

“Parang I did three segments, ‘Wala si Madam, ikaw yung gumawa!’ As in… eto lang ang script. Ha?! Ha?! So, nagulat ako.

“Siguro inaasahan na niya rin na nagde-deliver ako kapag isinama niya ako dito sa TikTalks. Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, e, ba’t niya ako kukunin, di ba?! Kung wala siyang nakita sa akin na something…

At saka gusto niya, kumakanta ako. Gusto niya, masaya lang. Siguro yun. Kaya masaya sa TikTalks kasi iba-iba yung dating ng mga opinyon namin dito.”

Okay ba kay Kakai na isama sa topic nap ag-uusapa nila ang tungkol sa lovelife niya.

“Ha, ha, ha, sa relasyon, madami silang natutunan. Andami kong mga chika sa relasyon. Pero kasi parang hindi matatapos yung isyu ng mga topic namin dito. Ano siya, e, kumbaga panghabambuhay.

Loveless ngayon si Kakai dahil busy daw siya sa career niya at ayaw niya ng inaabala siya.

“So I would like to concentrate siguro half-half ng time ko is to pursue my dream bilang performer, recording artist,” sambit ng dalagang komedyana.

Related Chika:
Kakai Bautista: Marami nang nag-betray sa akin pero wala namang pa-screen grab!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kakai Bautista: ‘Wag kang mag-anak kung hindi mo kayang buhayin

Kakai: Walang pera-pera ngayon, walang fame, walang everything…we are powerless

Kakai Bautista sinugod ang SB19 sa ‘Eat Bulaga’, kilig na kilig kay Stell: Sorry naaaaaa! Na-starstruck ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending