Kakai Bautista pak na pak sa first single: Walang deadline ang pangarap!!! | Bandera

Kakai Bautista pak na pak sa first single: Walang deadline ang pangarap!!!

Pauline del Rosario |November 12,2022
facebook
share this

Kakai Bautista pak na pak sa first single: Walang deadline ang pangarap!!!

Pauline del Rosario - November 12, 2022 - 06:09 PM

Kakai Bautista pak na pak sa first single: Walang deadline ang pangarap!!!

PHOTO: Instagram/@ilovekaye

SA kauna-unahang pagkakataon, nag-release ng single ang Kapamilya comedian-actress na si Kakai Bautista.

Pinamagatan itong “Pag ibig Ko’y Panalo” na inilabas noong November 11.

Proud na ibinandera ni Kakai ang exciting news at sinabi pang mahigit dalawang dekada niyang inantay ang ganitong pagkakataon.

Nag-iwan pa siya ng payo sa madlang pipol at sinabing “walang deadline ang pangarap!!!”

Sabi niya sa caption, “I waited 21 years for this to happen. So sa lahat ng dadaan sa feed ko, WAG MONG SABIHIN na di mo na kayang Tuparin ang iyong mga pangarap! (heart hands emoji)”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝑲𝒂𝒌𝒂𝒊 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@ilovekaye)

Maraming netizens naman ang super happy sa komedyante at nagpaabot pa ng masayang pagbati sa kanya.

Narito ang ilan sa mga komento na aming nabasa.

“I paaaaaak!!! Proud of you ate Kaye! (red heart emoji)”

“Kaiiiii nakaka inspire ka (heart eyes emoji)  Excited na ako!!!!!”

“i love it momshieeeee gogogo (red heart emoji)”

Bago sumikat sa mundo ng showbiz, si Kakai ay nagsimula muna bilang isang theater actress.

Huling naglabas ng kanta ang comedian-actress noong nakaraang taon na kung saan ay gumawa siya ng sariling version ng OPM hit na “Huwag Ka Nang Magbabalik.”

Taong 2015 naman nang magkaroon siya ng solo concert na “Dental Diva.”

Kamakailan lang nang maging usap-usapan ang naging payo ng comedienne tungkol sa pagkakaroon o pagbuo ng pamilya.

Pinarangalan niya ang madlang pipol na, “’Wag kang mag-anak kung hindi mo kayang buhayin.”

Sey pa niya, “Maawa ka sa batang hindi makakain nang tama, makakapag-aral nang tama at hindi mo mabibigyan ng magandang future dahil lang GUSTO mong magkaanak nang hindi mo plinano at pinag-isipan.”

Nagpaalala rin siya na, “Mabuhay ka within your means. Sa mga bagay na kaya mo lang i-sustain.”

Read more:

Kakai Bautista: ‘Wag kang mag-anak kung hindi mo kayang buhayin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kakai Bautista sinugod ang SB19 sa ‘Eat Bulaga’, kilig na kilig kay Stell: Sorry naaaaaa! Na-starstruck ako!

Anthony Jennings susunod sa yapak nina Piolo, Daniel at Paulo: Wow! Nakakaiyak naman, nakakakilig!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending